A/N: Unedited
-
I groaned in pain. Iminulat ko ang mata ko at agad na tumama ang liwanag ng ikaw sa mukha ko.
Sa'n ako?
Nakita ko ang mga pinsan kong tulog at kalat sa buong room. I realized that I'm on hospital dahil sa puro puti kong nakikita.
Naalala ko ang nakita ko kaya nagkuyom ang kamao ko, I was about to leave the bed when the door suddenly opened.
It revealed him.
He looked at me worriedly with a box of donuts in his hand. Pinigilan kong magsalita dahil baka magising ang mga pinsan ko lalo na si Ate Fin na mukang nakatira na dito sa hospital.
"Huwag kang lalapit sa'kin." Ani ko, sapat para marinig niya.
Dapat masaya ako ngayon na nakikita siya pero mukang bumaliktad dahil sa nakita ko kahapon.
Magsasalita na sana siya pero bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito ang gulat na Jigz.
Hindi ko alam kung para saan yung gulat niya kaya umirap nalang ako sa hangin at nagtalukbong ng kumot.
Hindi na ako nag abalang magsalita ulit dahil baka sumigaw lang ako dito. Muli akong nakatulog pero nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko.
Inalis ko ang kumot na nakataklob sa mukha at inis na tinignan sila. My cousins are panicking for unknown reason, I'm confused but still annoyed.
"Parang kahapon lang kasama natin siya..." Napatingin ako kay Thayler na nakasubsob ngayon ang mukha sa unan.
My eyebrows furrowed.
Hinimas naman ni Tj ang likod nito na para bang umiiyak din. Bumaling naman ako kay Ate Vhia na nakatulala ngayon at kasama si Thym na may hawak na Rosario at nagdadasal.
ANO BA ANG NANGYAYARI?!
"Tangina, anong trip niyo?" Mura ko sakanila kaya natigilan sila at napatingin saakin.
They are shock to see me. Naningkit ang mata ko dahil mukang tanga lang silang nakatingin saakin.
"Magsasalita ba kayo or what?" Wala sa mood kong saad at ipinikit ulit ang mata habang inaantay silang magsalita.
Nakarinig ako ng ilang yapak kaya binuksan ko na ulit ang mata ko at nakita sila na nakatingin pa rin lahat saakin pero this time ay mas malapit na dahil pinalilibutan nila ako sa kama.
"Hindi ka ba... patay?" Namumula ang mata ni Tj.
I tsked. "Nag flat line na ba 'tong linya?"
Umiling silang lahat.
"Oh ayon naman pala eh, anong iniiyak niyo diyan?" Inis kong tanong.
Binatukan naman ni Ate Vhia si Thayler.
"Sabi mo patay na!" Naningkit ang mata ni Ate Vhia.
Napanguso naman si Thayler at napakamot sa batok.
"Sorry, nag panic ako. Nakataklob kasi yung kumot sa mukha niya na parang patay, ayoko namang alisin kasi nga baka patay na." Bumuntong hininga lang ako at umirap.
"Nagtaklob ako kumot kase walang nagpatay ng ilaw! Nasisilaw na ako kanina pa!" Reklamo ko.
The door opened harshly and it revealed my another cousin, Ate Fin. Who look nervous and scared at the same time.
"Ate Fin, okay lang ako." Kalmadong kong sabi pagkapasok niya.
Nang makita niya ako ay tila nakahinga siya ng maluwag at maya-maya ay mabilis na nag shift ang mood niya at sinamaan si Thayler ng tingin.

YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1) UNDER MAJOR REVISION
RomanceThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.