*Qyz Point of view*
"Ang ganda ni kiss noh? balita ko wala pang asawa yan." Bulong ng tindera.
"bakit wala pa? marami naman masisigasig at matitinong lalaki rito sa ating probinsya." Buloang nito pabalik.
Hay nako tuwing dadaanan na lamang ako rito, lagi na lang akong pinag bubulungan ng mga matatanda.
"Hoy kiss!" Sigaw ni marky
Tinaasan ko lamang ito ng isang kilay at inirapan ko ito. "Ang sungit kiss, kaya wala kang nagiging asawa e!" Sigaw nito pahabol.
Hindi na bago sakin ang pag sabi sakin ni marky ng ganun, lagi sa amin tuwing andyan si kuya. Pauwi nako ng makita ko sila kuya at ang ganyang girlfriend na nag aaway sa kalsada.
Buti na lang at nahuli kana, ilang buwan mo ng niloloko si kuya. Oo alam kong at nahuhuli ko si ate kara na may kasama laging lalaki iba ibang lalaki. Ayuko sabihin kay kuya ang lahat nun dahil ayuko siyang nakikitang nahihirapan; ganun pa man malaki din ang sakripisyo at effort niya kay ate kara. Gumawa yan ng paraan para makabili ng sasakyang motor para may ipang hatid at sundo ito.
Ngunit sa kabila ng pag hihirap ni kuya hindi man lang ito nasuklian ng buong pag mamahal. Tuwing naiisip ko ang pang loloko ng ate kara kay kuya naninikib ang dibdib ko sa araw-araw na panloloko nito sa kuya. Habang ito nag papakasaya sa lalaki ang kuya ko naman ay kumakayod sa hirap para may pang labas at pambili ito ng gusto niya.
Eto na nga ang sinasabi ko, katulad sa wattpad wala talagang taong idadamay ka kasi alam mo ang lahat, mag sabi ka man na hindi mo alam idadamay ka parin
*Knock'knock*
Malulutong na katok ang narinig ko mula sa pinto.
*Knock'knock*3x
Tatlong sunod sunod na katok ulit ang narinig ko sa pinto.
"P-pasok." Mahinahon kong salita.
Binuksan nito ang pinto at dumeretsyo umupo sa papag."Kiss, alam mo yung lahat pero bakit hindi mo magawang nasabi sakin?" Tanong agad nito."Kuya mo ako e, dapat alam mo yung nararamadaman ko kapag sinasaktan ako!" Sigaw nito sakin."
"K-kuya, k..kasi binantaan ako ni ate kara nun." Utal kong sagot ko.
Oo binantaan niya ako ilang beses, tuwing tititigan ko sila ng kasama niya ay lumalapit ito malaki ang takot ko nun, kaya iniwasan ko na lang tuwing nakikita ko sila, magaling din mag manipulate.
"Putang*na naman kiss, kahit sana unti man sinabihan mo ako." Nang gagalaiting sagot nito."Kiss kahit bantaan ka dapat sinabi mo sakin hindi yung huli ko na malalaman na matagal na pala akong niloloko." Sunod sunod nitong salita."Kiss, kuya mo ako oh, ka-kahit bantaan ka-kanila and-dito ako." Wasak ng boses nito.
"Kuya, so-sorry po, natakot lang ako." Pag hihingi ko ng paumanhin."A-ayos lang kiss, hindi ko lang ma-matanggap na ginawa sakin yun ni kara." Hikbi nito.
Si kuya lang nakita kong lalaking umiiyak ng ganito dahil sa pag ibig.Karamihan sa probinsya ng Devilian ay mga playboy halos mayayabang, madalang ka lang makakakita ng lalaking matino dito sa probinsya namin.
Si kuya yung katuwang ko sa mga bagay bagay rito sa bahay siya rin ang nakikipag away sakin tuwing inaaway ako ng kapitbahay namin, dahil daw ang ganda ganda ko hindi daw sila magustuhan ng nagugustuhan nila.
Si kuya yung tipong gagawin lahat mapasaya ka lang, maliit man o malaki yung ibigay mo sa kanya na ayos lang sa kaniya.
"Kuya, a-ayos lang yan. pasensya na kuya kong hindi ko sinabi." Nanginginig kong sambit."Ma-may ha..hawak kasi silang kutsilyo n..nun nung na-nakita ko sila tina..napat n-nila sa...sak-kin yun." Pag amin ko.
YOU ARE READING
Araro Serye Uno: Shaud Relcardo
RomansaIlang prehensya ang malalagpas nila? Mako-kontrol ba nila ang sarili nila sa pagitan ng prehensya nila? Shaud Relcardo, ay isang playboy na mang aararo ng kanilang sakahan. Siya ang pinaka mayaman sa kanilang mag kakaibigan, na halos lahat ng kompan...