Chapter 1

12 3 0
                                    

'UNANG PAG KIKITA'

*Qyz Point of view*

Napanganga na lang ako sa lawak ng sakahan ganun ang bahay kahit sobrang layo kitang kita ang laki nito.

May humarang samin na sasakyan para sunduin kami papunta sa mismong bahay. Nilibot libot ko ang mga mata ko sa sakahan, sobrang lawak at presko ang hangin ganun pa man ay napakatahimik.Habang dinadama ko ang hangin ay napamulat ako ng marinig ko ang boses na yun.

Bigla nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking nakita ko sa hospital. Nakita ko ang bulungan nila nung napatitig ako sa kaniya ganun na din ang tawanan nila.

Bumaba na kami sa harapan ng bahay, maging terris ay napakawalak."Marky ang lawak." Sabay siko ko rito.

Napag desisyon ko na ang trabahong inaalok ni marky sakin, para may pang bili ng gamot at may pang araw araw sila kuya, Naiwan si kuya at dalhia ron at sinabi ko na mag hanap ng mag aalaga para kay dalhia dahil malaki raw ang sahod rito. Mukang kakayanin ko naman

"Sabi sayo, mukang makakasundo mo ang mga kasama mo." Sambit nito sakin.

"Sana nga." Sabay tawa ko.

Tumuloy na kami, kinausap isa isa at sinabi ang dapat gawin sa malawak na sakahan, mag kahiwalay kami ng trabaho ni marky. Sa pang aararo ito at ako naman ang tiga luto ng pag kain at tiga linis ng kwarto. 

Inayos namin ang gamit namin at sinabi narin kong saan kami matutulong sa second floor malapit sa sala. Nang makapasok ako sa kwarto nakita ko ang mga kasamahan ko. Hindi ko inaasang ganto pala kaluwag ang kwarto kaya halos sampong anak siguro ay kasya rito.

"Hello, magandang umaga." Pag bati ko

"Magandang umaga rin!" Sabay sabay nilang pag bati ng nakangiti.

"Tulungan ka na namin mag ayos, may sarili ka rin palang kabinet." Sambit ng isa.

"Bagong bili lang yan, ayan ang pinaka magandang binili ni sir." Sambit pa ng isa.

"Kami na bahala mag ayos ng gamit mo, umupo ka muna." Pang aasikaso naman ng isa sakin.

"Oh baka napagod ka sa byahe, pag kain at tubig mo." Pang aasikaso naman ng isa.

Mababait naman sila, mabibilis kumilos pero ano yung sinasabi ni marky na mabagal? Tanong ko mula sa sarili ko."Sa-salamat." Ngiti kong sambit.

"Ako pala si Ixy." Pag papakilala nito."Ako naman si Georgette.","Ako naman si Flannery.","At ako naman si Pixie." Sunod sunod nilang pag papakilala.

"Ako naman si Qyz started with Q not K, palayaw ko ay kiss." Pag papakilala ko.

Sabay sabay naman itong na nganga dahil parehas daw kasi ng kaibigan ng may ari ng sakahan. Nakita ko ang mga ngitian nito.

"Hala bagay sila #QyzQi" Biro ng isa.

Nanapahalakhaka naman ang apat.Habang ako nag tataka sa paganun ganun nila kong sino ang shiniship nila sakin.

"Anyway, pinaka matandang gurang samin ay si ate pixie." Turo nito kay pixie.

"Ilan taon kana ba? 22 palang kasi si ate e halos kami 21 at 20 palang." Tanong nito.

"24."Tipid kong sagot.

"Hindi halata sa ganda mo te." Biro ng isa.

Tumango naman ang tatlo sa sinabi ng isa."So kailan ka mag sisimula?" Tanong ni ixy."Mamaya siguro."Sagot ko."Wew agad agad walang pahinga pwedeng bukas na lang mag kwentuhan muna tayo."Sabat naman ni pixie.

Araro Serye Uno: Shaud RelcardoWhere stories live. Discover now