[ Messenger ]
Louie:
Pucha, pre totoo nga???
Nakita ko kanina sila Tita, uuwi ka na raw???
Nagbibiruan lang tayo noong isang araw tapos uuwi ka na pala talaga
Grayson:
Ang daldal talaga ni Mom.
Sabi ko secret lang, eh hahahahaha
Pero oo kupal uuwi na ako.
Babalikan ko na baby ko 🥰🥰
Louie:
Kadiri talaga 'to, e
Sobrang baduy mo!
Saan ka na mag-aaral?
Grayson:
Edi jan sa school ni Princess. Sinabi ko na kay mom na asikasuhin 'yung mga requirements ko.
Next week ang flight ko
Louie:
Iba talaga nagagawa ng in love hahahaha
Good luck na lang sa'yo kung balikan ka pa ni Princess
Grayson:
What do you mean??
May bago na ba siya?
Louie:
Aba, malay ko! Hindi naman kami magkaibigan para malaman ko
Grayson:
Pakyu ka
Kakausapin ko agad siya pagkauwi ko.
Miss na miss ko na siya.