[ Messenger ]
"Educational Purposes"
Samantha:
Soft launch ba 'yon?????????!!!!
Princess:
ewan
'di nga ko kumakain ng lunch
Samantha:
Aba gumaganyan ka na ngayon, Celeste!
Princess:
BWAHAHAHAHABAHA OA
Xariah:
Ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa?
Princess:
we're good
pero walang kami
'diba sinabi ko sa inyo na nagkausap na nga kami
sinabi niya 'yong reason niya bakit siya umalis
Samantha:
Oh bakit daw?
Princess:
nay inasikaso daw siyang mga papers sa japan
Xariah:
Ayan lang??
Princess:
siyempre hindi
ginawa niya lang 'yong opportunity para tuparin 'yong sinabi niya kay mama
Eugene:
Si tita?? Bakit naman nadamay siya sa inyo?
Princess:
kinausap niya si abo para iwan ako
hahaha
nakakatangina lang
Samantha:
Bakit daw 'yun ginawa ni tita??
Shet
Princess:
alam niyo naman na ayaw nila sa pagsusulat ko, 'diba?
hindi lang naman 'yan 'yung ayaw nila. lahat yata ng tungkol sa'kin hindi nila gusto
and nakita nila kung gaano ako sinusuportahan ni abo
they tried to stop me dati sa pagsusulat kasi abala lang daw 'to sa pag-aaral ko pero dahil sa support niyo and especially si abo nagpatuloy ako.
and siguro dahil na rin sobrang init ng dugo niya sa'kin kaya ginawa niya 'yon
ang unfair lang sa part namin
wala naman kaming ginagawa sa kanila
hindi ko naman kasalanan na anak ako sa labas si papa
at lalong hindi 'yun kasalanan ni abo para mag-suffer siya
sobrang nakakagalit
i'm planning na kausapin siya para matapos na rin 'to
sabi ni abo na tinakot pa raw siya ni mama na hindi ako susuportahan sa pag-aaral kapag hindi siya nakipaghiwalay
Xariah:
Hindi ko ini-expect na aabot sa ganyan si tita.
We are here for you, Princess.
Kung anong magiging desisyon mo, susuportahan ka namin.
I LOVE YOUUUU, babe
Samantha:
Anong status niyo ngayon ni abo?
Princess:
we're still love each other pero hindi naman 'yon ganon kadali.
although ilang months lang naman kaming naghiwalay but still may mga nagbago pa rin
napagkasunduan namin na ienjoy muna ang company ng isat isa bago isipin yan.
kakausapin ko pati muna sila mama
hindi ako natutuwa sa ginawa nila
Samantha:
We are always here for you, girl
Di natin sila bati ha
Princess:
thank you, guys. mahal ko kayo!