Hide and Seek 2

4 0 0
                                    


LEAVING ALL BEHIND

※※※※※※※※※※※※※※※
※※※※※※※※※※※※※※※

================



      Unti unti kong minulat ang mga mata ko nong maalimputangan ako. Pero agad naman na napakunot ang noo ko nong makitang puro puti ang nakikita ko tas agad naman ako napatabon sa ilong ko nong maamoy ko ang mga medisina , para akong masusuka . At napagtanto ko na nasa ospital nga ako.


Inayos ko naman ang pagkakaupo ko sa kama nong maramdaman ko na okay lang naman ako. Oo, alam ko, nahimatay nga ako, pero hindi naman ako nagkasugat para wag umupo, di ba?




*** creek! ***





Gulantang naman ako na napatingin sa may pinto nong biglaan tong bumukas. Napabuntong hininga nalang ako at napailing nong maramdaman ko sa sarili ko na parang umaasa na may ibang dadating. Kaya bago pa ako tuluyang umasa na naman ay mas mabuting pigilan ko nalang ang sarili ko, hindi ba?




      " Izze?? Look, Levi, she woke up! Jeez, cous, don't frighten me like that. "




Niyakap naman ako ng mahigpit nito at parang ayaw pa nga akong pakawalan. Parang natatakot na syang kumawala sakin. Napatingin naman ako kay Levi na nasa tabi nya.




      " D*ng it, Elle, you made me worried sick this time. "




I mouthed him sorry. I really am. Tinapik nya naman si Najha nong makita nya na mukhang mahigpit na talaga ang pagkakayapos nya sakin. Pero di lang sya pinansin nito at para lang wala na nagpatuloy sa pagyapos sakin.

   
Kaya nilapitan sya ulit ni Levi at pinalo kaya napatingin sya ng masama rito.



       " Hey! What the fvck's wrong with you? "



Agad nitong alarma na pasigaw, dahil medyo nagulat din sya sa ginawa nito sa kanya. Agad naman syang tinaasan ng kilay ni Levi.




      " Watch your foul mouth lady."


Napailing nalang ako when Najha rolled her eyes on him. Napapalo nalang din sa noo si Levi at bumuntong hininga nalang at mas itinuon nalamang ang atensyon sakin.





        " And you, God, you don't know how much I worry about you. What the h*ll happened to you that you ended up like this, huh?  Don't you dare lie to me, I'm warning you. "




Agad akong napayuko dahil sa tinawag nya sakin. Now that he's using his warning tone, I know he's really angry at me now. Knowing na tinakasan ko sila, at di lang yun. Alam kong mas magagalit pa sila sakin sa oras na malaman nya kung ano ang ginawa ko. He already warned me about this, but I didn't listen, at nagmatigas ako. Kaya hindi ko sya masisisi kung magalit man sya sakin ngayon.




      " I-I'm sorry... I really am sorry, Lev.  Please, don't be mad at me. "




Lalo na nong maalala ko na naman ang lahat ng nangyare kanina. Agad na naman akong napaluha. Tahimik lang ako na umiiyak habang nakayuko, at alam kong napansin to ni Levi. Di ko alam kung anong gagawin ko, sobrang gulo na ng utak ko, wala akong kahit isang matinong maisip. Tas sobrang sakit pa ng dibdib ko, sobrang skait ng puso ko, sobrang wasak. Pero wala akong nagawa at nanatili na nakaupo sa kama, sa harapan nila habang nakayuko na umiiyak ng tahimik. Hanggang sa narinig ko ang pag buntong hininga ni Levi at unti unting lumapit sakin at umupo sa tabi ko.



HIDE and SEEK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon