Hide and Seek 6

0 0 0
                                    

❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃

   DINNER MEETING

❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃❃

Ylizze's Point of View

It's been three weeks since bumalik kami dito sa Pinas dahil sa kasal ng pinsan ni Levi na kailangan naming daluhan. At pagkatapos nga ng pagdalo namin na yun ay kanya-kanya na ulit kami ng ginagawa. Tulad nalang ni Lev, he's out of town para asikasuhin ang mga hospital na hina-handle nya at pati na rin mga pasyente nya. At si Najha naman ay busy sa pag mo-modeling nya at kung ano pa at minsan din ay namamalagi lang sya sa Villa kasama ang mga pamangkin nya. Dahil nga daw tinatawagan lang naman sya ng manager nya if ever may shoot o ano pa. Minsanan nga ay nadadamay ako sa modeling na ginagawa nya at napapa model nalang din ako. Pero yung mga ina-approve ko lang naman. Tulad ng sa company namin. Najha, Levi and I are the faces of our company. Yun ang gusto ng parents namin eh, tsk.

At yun nga, di din naman ako nag papatalo sa dalawa. Dahil sobrang busy ko din. Tulad nga ng sabi ko kay Levi. While I'm here, ako muna ang mag ha-handle ng company ko dito at saka ko binigyan ng 1 month leave si Kate. Remember Kate? The one who's handling my businesses here? Well, with the help of her two assistants of course, who helps her out. Kate and Hannah are my mothers scholars. Sila yung isa sa mga pinag kakatiwalaan ni mom na mga scholars na pina-aral nya. Galing lang din sila sa mahirap na pamilya na nakita lang ni Mommy sa kung saan nya man nakita ang dalawa at dahil naawa sya at nakitaan nya rin ng galing at talento ay pina-aral nya. At yun nga, ibinigay nya sakin ang dalawa kaya sa akin na sila nag ta-trabaho ngayon. Well, halos kaedad ko lang din naman sila. Same din sa dalawang Managers na nag handle ng boutique at gallery ko na syang assistants ni Kate. Na ngayon nga ay syang tumutulong sakin dahil pinapabakasyon ko muna si Kate, na gets nyo na?

DAWN EVES, yan ang pangalan ng company ko. Why that? Well, itanong nyo sa mga anak ko. Iba naman talaga ang naisip ko sanang ipangalan dyan. Napatingin ako sa pangalan ng building na pag mamay-ari ko. Ang Dawn Eves, na miss ko rin to. Well, knowing na hanggang tingin lang ako sa picture at video non nong una dahil nga ayaw kong umuwi sa Pinas. Pero ngayon nagagawa ko ng pasukin ang building na to. Mostly mga scholars ng mom ko o mga kilala nya ang nag ta-trabaho dito. Nasa baba ng building ang Shop habang nasa taas ng building ang Galary at nasa pinaka mataas ang office ko.

***knock-knock***

Di na ako napatingin sa may pinto at nanatili lang ang tingin ko sa laptop ko dahil sa ginagawa ko. Alam ko na naman kung sino ang pumasok.

     "All the papers you asked for are here, Miss Shantal."

Tumango lang naman ako sa kanya habang nanatili parin ang tingin sa laptop. Ipinatong naman nya sa table ang mga yun.

     
     " May nagpapadala po pala sa inyo nito. Naka address po kasi dito Miss. "

       " Thanks, Marie. "

Tumango naman sya at saka umalis. Napalipat naman ang tingin ko sa. Napa buga ako ng hangin at napahawak sa noo ko habang nakatingin rito. Lalo na nong makita ko kung anong naka tatak sa maliit na red velvet envelope at red velvet box na may black ribbon. May naka lagay lang na 'NIGHTMARE'  don. Di ko na pinag-aksayahan pa ng oras na pag buksan yun dahil alam ko na naman kung ano ang mga yun eh. Kumuha nalang ako ng paper bag at saka nilagay yun deritso sa loob. Kinuha ko na rin yung iba pang red velvet envelope na nasa loob ng drawer ng table ko at saka yun pinasok lahat sa paper bag. Nakakarami na rin ako nito ah? Tsk.

At dahil nga nawalan na ako ng gana at natapos ko na rin naman din ang ginagawa ko ay iniligpit ko na ang laptop at tumayo na din ako para umalis na. Nong makalabas naman ako ng building ay agad kong nakita si Manong Daniel na sobrang laki ng ngiti.

HIDE and SEEK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon