ALICIA'S POV:
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Umupo ako saglit sa gilid ng aking kama at kinusot-kusot ko ang aking magkabilang mata, at saka na ako tumayo at pumunta na ako sa banyo para magsipiliyo at mag skincare na rin.
Pagkatapos ko gawin ang mga dapat kung gawin ay lumabas na ako ng aking kwarto, at nang lumabas ako bumungad agad sa akin si Tita Elen na paakyat na ng hagdanan na halatang pupuntahan ako sa kwarto.
"O, Alicia, nandiyan kana pala mabuti naman at nagising nakahanda na ang almusal sa ibaba" Sabi sa akin ni Tita Elen
"Ah sige po Tita Elen, sabay na po tayong bumaba" Pagtugon ko kay Tita Elen.
Tumango na lamang si Tita Elen sa akin at nagsimula na nga kaming bumaba papuntang dining area. Makita ko na nakaupo sa dining area sila Tito Elon, Bianca , at Amber. Habang kaming dalawa ni Tita Elen ay nakatayo pa lamang.
"O, Alicia, nandiyan ka pala halika dito sa tabi ni Amber at ng makapagsimula na tayong mag almusal". Tawag sa akin ni Tito Elon.
"Hello po Tito, Good morning po" Bati KO Kay Tito Elon.
"Good morning din Hija" Bati pabalik sa akin ni Tito Elon.
Umupo na ako sa tabi ni Amber at agad naman niya akong kinausap.
"Magandang Umaga Alicia" Binati niya na may kasamang ngiti sa kaniyang labi.
"Magandang Umaga rin Amber." Bati ko pabalik.
Kumpleto na kaming lahat kaya nagsimula na kaming manalangin. Si Tito Elon ang nag lead ng prayer.
"Ama naming Diyos maraming salamat sa pagkain na inihain mo sa aming harapan, sana po ay magamit po namin sa paglilinkod sa iyo yun lamang po ang aming hinihiling sa pangalan ni Jesus, Amen." Panalangin ni Tito Elon.
"AMEN." Sabay sabay namin sabi.
Nagsimula na kami sa aming pagkain, sila Tita Elen at Tito Elon ay nagkwe-kwentkohan habang kaming tatlo ay tahimik lamang na kumakain sa hapag kainan.
Habang kumakain ako ay nakikinig ako sa kwentohan nila Tito Elon at Tita Elen. Nang bigla akong tinawag ni Tita Elen.
"Alicia, nga pala mamayang hapon yung interview mo bilang pagiging secretary ni Mayora Alice" Pagiinform ni Tita Elen sa akin.
"Anong oras po ba Tita Elen?" Tanong ko.
"Mga alas tres" Sagot niya.
"Ah sige po Tita Elen " Sagot ko.
So Mayora Alice pala yung pangalan ng Mayora nila dito, ano kayang mukha niya excited na akong makita siya mamayang hapon.
Tapos na kaming lahat na kumain Kaya nag insist nalang ako kay Tita Elen na ako nalaang mag hugas ng mga Plato na pinagkainan namin.
"Ay wag na hija, ako na , magpahahinga ka nalang diyan para mamaya ay marami kang energy sa interview mo kay Mayora Alice." Sabi ni Tita Elen.
"Sige po Tita Elen, tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan po kayo" Sabi ko nalang dahil may punto naman si Tita Elen. Kailangan ko ng energy para sa interview ko para makapasa agad ako.
Pumunta muna ako sa kwarto ko para mag ayos nang gamit ko medyo marami-rami Rin yung mga aayusin kong gamit.
___________________