IS THAT YOU! ( PART 3)

327 14 7
                                    

ALICIA'S POV:

"Sandali lang Miss, paki hintay ako!" Sigaw ng babae sa akin na hintayin ko raw siya.

Bigla ko nalang hinawakan ang pasokan ng elevator para patigilin ito sa pag sara para makapasok ang babae.Nang makapasok na siya ay binitawan ko na ang paghawak ko sa looban ng elevator.

"Maraming salamat Miss" Pasalamat ng babae na mayroong naka guhit na ngiti sa kaniyang labi.

"Walang ano man po"Pag tugon ko sa kaniya.

Ngayon ay nakatayo lamang kaming dalawa dito sa may loob ng elevator habang naghihintay na bumukas ito.

Pinindot niya ang number na papunta sa second floor siguro nag tra-trabaho ito dito, halata kasi naka pang work siyang suot.

Tinignan ko ang babaeng katabi ko masasabi kong maganda Ito dahil sa appearance niya. Mahaba ang kaniyang buhok sobrang straight nito na aakalain mong rebonded Ito, matangkad rin siya kung huhulaan ko siguro nasa 5'7 at 5'8 ang kaniyang height. Maganda rin ang mga mata niya singkit Ito kaya kapag ngingiti siya ay hindi mo na makikita ang kaniyang mga mata at nakasalamin rin Ito. Maganda ang kutis ng balat niya sobrang puti nito na SA puntong makakatakot kang hawakan dahil baka magka pasa Ito, halatang alagang-alaga. Mukhang galing mayamang pamilya.

Wohh!, did I just checked her out? Oh no, stop it Alicia!, you look like your stalking her appearance.

Makalipas ang dalawang minuto ay bumukas na rin ang elevator.Nauna siyang lumabas at sumundo naman ako.

Pumunta siya sa right side ako naman ay sa left side.

Tumingin ako sa kaniya habang naglalakad siya, ang sexy niya mag lakad.

Arghh! , stop it Alicia your checked her out again, STUPID!

Sinimulan ko ng maglakad para hanapin ang office ni Mayora Alice hahanapin ko muna Ito
at kapag hindi ko Ito nahanap ay saka nalang ako magtatanong.

_____________________

Makalipas ang sampung minuto.....

Hindi ko pa rin nahahanap ang office ni Mayora Alice kanina pa ako lakad ng lakad kaya naisipan ko na lamang na mag tanong.

May nakita akong worker kaya lumapit na ako sakaniya para magtanong.

"Uhmm, Miss?, pwede mag tanong?" Pag tawag ko sakaniya.

"Nagtatanong kana miss.....charrr, ano bang itatanong mo Miss?" Pag biro niya sa akin.
Bigla naman akong nahiya sa kaniya.

"Saan po dito yung office ni Mayora Alice?" Tanong ko.

"Nasa right side po Miss, nandoon po ang office ng Mayora at ni Vice Mayor nasa unahan ang office ni Mayora" Pag Sagot niya sa akin.

"Thank you po Miss" Pasalamat ko.

Arghh!, sampung minuto akong nag lakad tapos nasa left side ko pala yung office niya. Kainis!

Kapagod naman.

Naglakad na ako papuntang kabila para makapunta sa office ni Mayora Alice.

Nandito na ako sa office ni Mayora Alice, wohh!!, kaya mo to Alicia hindi siya masungit mabait yan.

Kinakabahan ako, today is my first time being here in Mayor Alice's Office, nakakakaba....., My Social anxiety is attacking me again..Bahala na, Hmpp!!

ONE SHOTS (ALICE GUO/GL STORY)Where stories live. Discover now