"Aray!" Ito na lamang ang aking narinig pagka pasok ko ng classroom. Pinagkakaguluhan nanaman nila ang isa kong kaklase.
"Max, tingnan mo naman ako!" Sigaw ni Jessie, kaklase namin.
Lagi na la'ng akong naririndi sa bawat ingay na ginagawa nila. Lagi nalang Max Louie ang pangalang naririnig ko.
Kami ay nasa high school pa lamang. Grade 10 pa lamang kami.
Dumating na ang aming guro, at dahil tatlong araw na simula noong unang pasukan, napag-isipan ng teacher namin na i-arrange ang mga seats namin.
Hindi pa niya gaanong alam ang aming mga pangalan, kaya't tinatanong muna niya kami at tsaka ay papalipatin.
"Hija, what's your name?" Ang sabi nito kay Dianne. Sumagot naman si Dianne, at itinabi siya kay Patricia.
Naiinip na ako, ang tagal niya akong tawagin.
"Hija, what's your name?" Napa ngiti ako nang tawagin niya ako. Sumagot naman ako. "Scarlet Pascual po." Ang saya ko na, ang kaso lamang ay, itinabi niya ako kay Max Louie!
Katabi ko na siya, at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko naman siya gusto, ngunit bakit ganoon?
Hindi ko nalang inisip ang katabi ko. Nagsimula nang mag-discuss ang teacher namin. English ang subject nito, kaya't kaunti nalang ay ma n-nosebleed na ako.
Nag-focus ako at nakapag notes na. Nagsusulat pa ako nang kalabitin ako ni Max.
"Sarlet, ano raw?"
HINDI SARLET ANG PANGALAN KO!! at staka, makinig ka nga!
"Hindi ka ba nakikinig?" Itinanong ko sakaniya ito, at nagulat ako sa sinabi niya. "Sungit!"
Napalakas ang kaniyang boses, kaya nagtanong ang guro sa amin.
"What's that noise all about? Huh? Mr. Conception, do you mind telling us what were you telling Ms. Pascual?" Napayuko na lamang ako. Ikatlong araw pa lang ay parang masama na ang impression sa akin ng aking mga kaklase.
Max answered, "I'm telling Ms. Pascual that you're so gorgeous, ma'am." At nambola pa!
Lunch break na. Wala akong balak na lumabas, dahil wala naman akong kasama. Baka akalain pa nila ay weird ako dahil wala akong mga kaibigan. Malayo kasing maging magkaibigan kami ng katabi ko.
"Hindi kaba mag l-lunch?" Gulat ako nang makitang si Max ang nagtatanong saakin. "Hindi eh, wala akong kasama, at staka, hindi kita gustong kasama."
Masama ba'ko ro'n?
"Hindi naman kita aayain"
Grabe yon ha!
"Ewan ko sayo, Louie." Tumawa na lamang siya.
Nag cellphone na lamang ako, wala naman kasi akong gagawin.
"Sarlet, oh" Iniabot ni Max ang pagkain. Rice ito at ang ulam naman nito ay Adobo.
Paborito ko.
"Para sa'n 'yan?" Tanong ko sakaniya. Baka kasi ipabayad pa. At baka mahal pa, wala pa naman akong pera. 50 pesos lamang ang baon ko araw-araw. Sa pagkain, at pag c-commute ko na yon papunta, at pabalik.
"Lunch, obvious ba?" Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. "Magkano?" Tanong ko sakaniya, kahit alam ko namang wala akong pambayad.
Grabe, maglalakad pa ata ako mamayang pag-uwi!
"Libre ko 'yan, tangek" Tumawa siya nang kaunti. "65 pesos 'yan, pero libre ko na. Hindi mo kailangang bayaran. I insisted."
Mabait ba talaga siya? Grabe naman 'yan. Parang sobra-sobra.

YOU ARE READING
Delighted by Its Beauty
Short StoryThis story ain't perfect, but I hope, you will like it. Disclaimer: This story was a fiction. There's no fact information about the characters here. If you saw a story, that exactly looks like mine, please don't attack me. This story is a work of...