Chapter 03

1 0 0
                                    

"Nakita niyo ba yung instagram post ni Max?" Saad ni Erah sa'min.

Huh, ano naman sa post na 'yon?

@_louieconception
I have 12 followings, but then, it became 13. Those 12 followings are guys. And the other one, is the one who I like.

"Pa'no natin malalaman, eh naka private followings niya?" Nginitian ko lang si Althea.

Lunch break na, at dahil bored ako, nagcheck ako ng instagram dahil curious ako sa sinasabi nila Erah.

@_louieconception requested to follow you.

HUH? Hindi naman sa pagiging assumera, pero, ako ba? Baka napindot lang.

"Uh hi, sarlet!" Tumingala ako nang makita ang lalaking pinagkakaguluhan nila! "May kasabay kaba pauwi? Can we go home together?"

WHAT? HINDI BA MAGKAIBA DAAN NAMIN?

"Aurea street ako eh." Tumawa siya. "All this time, magkalapit lang pala street natin?" He laughed again.

"Huh? Malaya street ka?" Naguguluhan ako. Eh hindi ko naman siya nakikita kapag bumibili ako sa bakery roon."hahaha oo."

"So, sabay tayo ha?" As a friend lang siguro 'to. "Sige ba. Kaso maglalakad lang ako ngayon, nag e-exercise ako eh."

Wala lang talaga akong pamasahe.

"Ah gano'n ba? Sige, sabay pa rin tayo."

"Uy, Camille! 'di ba sa marangya street ka rin? Sabay na tayo!" Sigaw ni Althea kay Camille. "Hoy pasabay!" Sabay na sigaw nila Erah at Nadine.

"Sino kasabay niyo?" Tanong ni Erah sa'ming dalawa ni Olivia. "Susunduin ako ni mommy." Sagot naman ni Olivia sakaniya. "Eh ikaw, Let?" Nakakahiya kung sasabihin kong si Max, pero siya naman talaga ah.

"Sarlet, tara na!" Sumulpot bigla si Max.

Naghiyawan silang lima. "Kaya naman pala! Osya tara na!" Aya ni Camille sakanila. "Bye, Let! Gawa kana ng move! Mwa!" Sigaw ni Olivia sa'kin.

Ano ba naman tong mga kaibigan ko na 'to.

"Grabe yun project na pinapagawa sa'tin ni ma'am Pineda no?" Sinimulan ni Max.

Talagang grabe, wala akong pera pambili ng mga materials eh.

"Ah, oo nga. Ang hirap." Nakayuko lang ako habang naglalakad kami, 'di naman kasi kami masiyadong close, kaya 'di ako makadaldal.

"Sabay na tayo bumili ng materials?" Nabigla ako sa sinabi niya. Pa'no ako makakatanggi? Wala akong pera..

"Uh ano kasi. I still don't have enough money to buy materials to create Ms. Pineda's given project." Nagulat siya.

"Okay lang, ako na bahala sa materials mo, samahan mo lang ako." Grabe ang ngiti niya, nakakatunaw.

Nakakatunaw mga ngiti niya, sinabayan pa ng fluffy brown hair niya, pati na rin ang kaniyang brown eyes. Moreno siya, at bagay na bagay ang features niya sakaniya.

Delighted by Its Beauty Where stories live. Discover now