Elise's Pov
Nag lalakad ako sa hallway ng school para pumasok na agad sa room presko kasi do'n dahil may aircon tagal ko din kasing nag antay ng masasakyan dahil mahirap talagang maka hanap sa lugar namin."Elise!?" tawag ng kung sino sakin mula sa likuran kaya tumigil ako sa pag lalakad at tumalikod para makita kung sino yun. Napa lunok ako ng makita ko si Yva with her two expensive minions, si Samantha at si Carol
Para silang mean girls shala
Nakalimutan kong andito din pala sila Yva!Kinakabahan ako, ayoko ng away.
Lumapit siya sa'kin kasama ang
Dalawa. Tumigil sila sa harapan ko pare-parehas nila akong tinaasan ng kilay, tinignan pa nga ako ng mga ito up and down"What are you doing here?" maarteng tanong ni Yva at nag cross arm
"I'm here to-"
"Don't tell me hinuthutan mo nanaman si mommy para maka pasok ka dito?" pag putol niya sa sasabihin ko, tumawa naman ang dalawa sa tabi niya
Grabe ha!
"How desperate you are Elise" singit ni CarolAba! Pag ikaw dinibdiban ko tatahimik ka!
"Ang alam ko walang cheap ang nakaka pasok dito" Dagdag pa ni Sam
Lah, sumosobra na tong dalawang to paepal!
"Fyi, wala akong hinihingi kay tita, naka pasok ako dito dahil sa kung sinong tumulong sa'kin. Please lang Yva ang aga aga ayoko ng gulo." sagot ko pero ang mga loko inirapan lang ako ayaw maniwala!
"I don't believe you, it's so gross to think na hindi kayo mabubuhay ng hindi humihingi sa'min." sarcastic na sabi niya, tuwang tuwa naman ang dalawa sa tabi niya
Ay bahala ka kung ayaw mong maniwala!
Tatalikod na sana ako para iwasan nalang sila dahil ayoko talaga ng away pero hinarangan ako ni Yva
"Where do you think you're going?" sabi niya at naiinis akong tinignan
"Yva, ayoko ng away..." mahinahon na sabi ko
"Now you're making me look bad!?" hinawakan niya ko sa braso
Super ouch! Kaya ko naman siyang labanan pero mag pinsan pa rin kami no, mahal ko kaya si Yva 'di ko siya kayang saktan.
"Yva...masakit..." hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin sa braso ko pero grabe ang galit sa'kin ni Yva parang babaon na yung kuko niya sa balat ko.
"Elise?"
"Yva?"
Sabay na tawag ng tatlong tao boses ni Kaori, Blythe at joy yun ah...
napa lingon kaming apat sa likuran ni Yva, nakita namin si Joy, Kaori, Blythe at si serious girl A
"You guys know each other?" takang tanong ni Kaori
Pasimpleng tinanggal ni Yva ang kamay niya sa braso ko at nginitian sila Blythe, pag tingin ko may pasa na ang braso ko dahil sa pag hawak ni Yva kanina.
"A! I missed you so much..." malambing na sabi ni Yva at lumapit kay serious girl A
Sinubukan niya itong halikan sa pisngi pero agad na umiwas si serious girl A, shala! Chossy
"Ayaw niya nga sayo" basag ni joy kay Yva, tinignan naman ng masama ni Yva si joy
"Shut up." masungit na sabi nito kay joy pero tinawanan lang siya nito