one shot

17 4 0
                                    

Pa'no mo masasabi na mahal mo ang isang tao? Ano ang mga basihan mo? At pa'no mo malalaman na totoo ang nararamdaman mo? Kapag masaya ka ba sa kanya, pagmamahal na ba iyon? Kapag ba may kung anong kiliti sa kalamnan mo ay pagmamahal na ba iyon? Ang hirap hindi ba? Mahirap nga ba?

Kung pag babasihan, sa kilos at salita. Ano nga ba ang totoo? Ang sabihin sa'yo na mahal kita o iparamdam sa'yo na mahal ka n'ya? Hindi ba't ang saya mag mahal. Masaya nga ba?

Ang mahalin ng totoo at iparamdam ang pagmamahal ay tila isang mataas na punong walang sanga, mahirap abutin, mahirap kung susubukin. Mahirap sungkitin dahil baka madurog lang, ang pag-ibig na 'yong inaasam.

Ragasgas ng ilong na nasa aking harapan. Ibon na humuhuni sa di kalayuan. Buhay na nais wakasan, sa ilog ng baryon' aking tinitirahan. Sa dami ng problema sa mundo mukang nasa'kin ang kalahati nito. Iniisip na tapusin ang buhay ko para matapos na rin ang pag hihirap ko.

Walang pag dadalawang isip ay tumalon na ako. Tahimik ang ilalim ng tubig at pintig ng aking puso ang tangi kong naririnig. Ng hindi tumagal ay sumisikip na ang aking dibdib, nanlalabo na ang aking mata, kinukulang na ako sa hininga. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging katapusan ng aking buhay. Bata pa lamang ako ay namatay na ang aking ina, ang sabi nila ay ang pagka panganak n'ya sa'kin ang dahilan ng pagka wala ng kanyang buhay. At ng dahil doon ay naging kasuklam-suklam ang tingin sa'kin ng aking ama. Ako ang sinisisi n'ya sa pagkawala ni ina. Na parang alam ko ang nangyari, na parang ginusto ko ang mawala s'ya. Na parang ginusto kong mabuhay sa mundong ito. Araw-araw ay isang malaking pagsubok. Araw-araw ay tiyaga para sa nilaga. Si ama ay naka hanap ng bagong asawa. Si nanay Mercedes na s'yang nagpalaki sa'kin kahit hindi n'ya ako tunay na anak, hindi katulad ng aking ama. Nasa tamang gulang na ako ng mawala si nanay Mercedes ngunit hindi pa rin ako nilulubayan ng aking ama, may pagkakataon na ginigising n'ya ako gamit ang tubig, hampas ng kahoy o di kaya'y suntok sa buong katawan. Ng hindi ko na kinakayanan ang kanyang pagmamalupit ay umaalis ako. Ngunit umuuwi rin ako dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Sa ilog kung saan ako laging nag mamasid kapag lumalayas ako sa aming tahanan. Na naging saksi ng aking pagluha at pag sumpa sa buhay na nais ko ng mawala.

Itim, Itim ang kulay ng gabi pagkatapos ng magandang pag lubog ng araw. Itim ang kulay ng katahimikan kung saan ako tahimik na humihikbi. Itim ang kulay ng buhay ng isang katulad kong simpleng tao na nais ng mawala sa mundo. Kasabay ng pag pikit ng aking mata ay s'ya ring pag tigil ng aking puso. Mukang ang nais kong katahimikan ay malapit ko ng maasam, sa ilalim ng ilog na lagi kong pinagmamasdan.

"Ginoo! Ginoo! Ginoo!" paulit-ulit na tawag ng kung sino.

"Ginoo! Paki usap gumising ka Ginoo"

Nakakatawang isipin na may naririnig pa rin' akong boses kahit namayapa na ako

"Ginoo!"

Isang malambot na bagay ang dumadampi sa aking labi at sinusundan ng pag tulak sa aking dibdib. Hindi ko magalaw ang aking katawan at nilalamig ang aking kalsamanan.

"Ginoo! Parang awa mo na gunising ka" isang boses ng kung sino ang paulit-ulit kong naririnig. Nang maramdaman ko ulit ang malambot na bagay sa aking labi at paulit-ulit na tulak sa aking dibdib ay napaubo ako ng malakas. Habol ang hininga, nanginginig ang labi at patuloy sa pag labas ng tubig sa aking bibig. Mukang hindi ako nag tagumpay

"Anong masamang Espiritu ang sumanib sa'yo at naisipan mong kitilin ang 'iyong buhay ha!?" Galit s'ya, namumula ang labit pati ang mata, maputi at makakapal ang kilay, maayos na pagkaka hulma ng ilong at panga. Tila anghel sa lambing ang muka.

"Niligtas mo ako?" tanong ko. Gusto ko lang naman magpahinga habang buhay, anong kamalasan at may nag mabuting loob ang tumulong?

"Paanong hindi kita tutulungan kung maaring mamatay ka sa ilog?" Iritado n'yang tanong. Yun nga ang aking nais, ang mamatay at mag pahinga na ng tuluyan. Sabi ko sa aking isipan

Inakala kong pagmamahalWhere stories live. Discover now