Nagkatinginan kami ni Thorn. Okay, bakit ako kinakabahan ngayon? Nasa dining table kaming lahat.. Si Mama, Papa, kuya Dionne, Thunder, Storm, Tito Theo, Tita Lorie, si Thorn at Ako. Magkaharap kami ni Thorn at hindi kami nag-uusap, nakatingin lang kami sa isa't isa habang ang parents namin ay hindi pa rin natatapos sa pagkamustahan. Halatang ilang buwan silang hindi nagkita-kita. Yong kambal naman ay ka-kwentuhan ni kuya kaya parang out of place kami ni Thorn.
Ngumiti siya sa'kin at nilagyan ang plato ko nang binalatan niyang hipon.
"Thanks." Mahinang saad ko dahil baka mapansin kami ng mga kasama namin.
Tahimik kaming kumain at pasimpleng nilalagyan ni Thorn ang plate ko. Pinaghihiwa niya ako ng steak at pinagbalatan ng hipon.
Parang ganitong ganito lang kami dati kapag kaharap namin ang parents namin. Nagpapanggap kaming sweet sa isa't isa. Pero ngayon totoo na. Hayy! Ang sarap sa feeling."Ehem. Ehem. Siya nga pala, kamusta naman ang pagpunta niyo sa Singapore Thorn and Angela?" Lalagyan pa sana ni Thorn ng steak yong plate ko nang mabanggit ang pangalan namin. Hindi ko mapigilang matawa ng mahina dahil mabilis niyang binalik yong steak sa plate niya. Pffft. Muntik pang mabuko.
This time ay nasa'ming dalawa na ang lahat ng atensyon nila.
"Okay naman po dad.." Tanging sagot ni Thorn sa daddy niya.
"Kasama niyo si Axton tama?"
"Opo." Maikling sagot ulit ni Thorn. Tahimik kaming lahat at silang mag daddy lang ang nag-uusap.
"Uhm.. Dad.. Actually, I want to say something to all of you.. Mom, Tito, Tita, kuya Dionne, Thunder, Storm.."
"Ano yun sweetheart?" Halatang curious at excited si Tita Lorie sa sasabihin ng kaniyang anak. Good luck sa pag-arte Thorn. Hahaha! Supporting actress lang naman ako dito.
"May good news ba kuya?" Tanong rin ni Storm.
"Hmm."
"Wow! What is that hijo? I'm excited to hear the good news." Tita Lorie.
"Alam ko po kung gaano niyo kagustong magkaayos at magkatuluyan kami ni Angela.. Actually, nag-usap na po kami tungkol dito and she understands my decision, ayoko na rin pong maglihim sa inyo kaya... I want to tell you that... I'm already dating someone." Tss. Gusto kong matawa sa mga reaksyon nila maliban kay mama pero I did my best para pigilan ang sarili ko. Si Thunder at Storm ay nagkatinginan lang, si Kuya napabuntong hininga ng malakas, si Papa ay nginitian lang ako ng tipid na parang sinasabi niyang 'okay lang yan anak..' Si Tito Theo natulala lang at si tita Lorie nabitawan yong hawak na spoon and fork sa pagkagulat sa sinabi ni Thorn. Yong hitsura ni tita ngayon parang hindi makapaniwala sa narinig niya.
"W-What did you say hijo? You're dating someone?" Kung kanina gusto kong matawa dahil sa reaksyon ni tita Lorie ngayon ay gusto ko ng lapitan siya at yakapin, sabihin sa kanya na.. Don't worry tita... I will be forever your favorite daughter and I will love your son more than he loves me.
Yong itsura ni tita parang maiiyak na. Alam kong sa lahat ng nandito ngayon, si tita ang pinaka-may gustong magkatuluyan kami ni Thorn. She knows my plan and she's also the one who supported me from the start. She looks at me na parang sobrang nasasaktan siya para sa'kin. Wala akong magawa ngayon kundi ang ngumiti nalang ng sinsero. I look at her and mouthed that 'I'm fine.'
"Mom.. I know how you like me to end up with Angela.. Pero mom.. She's already married and I already move on. Kaya wala naman po sigurong masama kung magmahal ako ulit diba?"
"Ah- I know that pero..."
"I'm sorry mom.. I fell in-love again and I'm planning to introduce her personally."
BINABASA MO ANG
Perfect Time (On-going)
Teen FictionAnother time. Another chance. As an enemies, they've been through a lot, but after those complicated things that happened between Andi and Thorn.. Is this the 'Perfect Time' for their happiness and right love? "Everything takes a perfect time." [ S...