3:58 p.m
3:59 p.m
4:00 p.m
Kasabay ng pagpatak ng alas quatro, ay siya ring pagbagsak ng malakas na ulan, sa pagbagsak ng ulan ay s'ya ring pagtunog ng bell bilang hudyat na tapos na ang eskwela.4:05 p.m
Ang mga estudyante ay unti-unti nang nag-aalisan sakay ng kanilang mga sasakyan, ang iba naman ay nagsisiksikan sa iisang payong.4:10 p.m
Karamihan sa mga estudyante ay naghihintay pa sa kanilang mga sundo sa labas ng unibersidad kasama ang iba pang mga estudyante.4:15 p.m
Sa kalagitnaan ng malakas na ulan ay makikita ang iilang estudyante na sinusugod ang ulan nang walang saklob.4:20 p.m
Tumatakbo ang isang babae sa hallway patungo sa labas ng kanilang building ng bigla itong madulas at bumagsak sa sahig una ang pwet. Wala nang tao sa hallway kaya naka hinga s'ya ng maluwag bago tumayo at tumakbo ulit.4:21 p.m
Tatlong lalaki ang lumabas mula sa isang silid ng makarinig sila ng kalabog kaya dali-dali nilang tiningnan kung ano ito at nakita na lamang nila ang isang babae na tumatakbo papalayo.4:25 p.m
Nakarating ang babae sa labas ng unibersidad at sumilong muna kasama ang iba pang mga estudyante.4:27 p.m
May dumating na jeep at nag-unahan ang mga estudyante na makasakay, ngunit hindi s'ya nakisabay sa kanila at umupo nalang.4:28 p.m
Dumating ang isang van na puti at sumakag ang apat na estudyante kaya s'ya nalang ang natira doon. Iginala niya ang kan'yang paningin at sa di kalayuan mula sa kan'yang kinauupuan ay may nakita s'yang asul na payong kaya nilapitan niya ito.4:29 p.m
Tumingin s'ya sa paligid tsaka kinuha ang payong sa upuan at binuksan. Sinimulan nya na ang paglalakad patungo sa kanilang tahanan.4:30 p.m
Pagpatak ng 4:30 p.m ay s'ya ring pag-ihip ng malakas na hangin dahilan kung bakit nilipad ang kan'yang payong. Tinangay ang payong patungo sa waiting shed sa kabilang kalsada kung saan bumagsak ito sa harap ng isang lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/370637108-288-k899536.jpg)
YOU ARE READING
Asul
Teen FictionMay nakilala akong apat na lalaki, and believe it or not, lahat sila ay Asul.