LEL XVIII

0 0 0
                                    

LEL XVIII


Umalis na si Nathan habang gumawa naman ako ng mga gawaing bahay rito sa bahay, alangan namang sa kapitbahay diba?

Hindi naman namin bahay 'yon, bahay ng pinsan ko iyon.. oh..

Natigilan ako nang may ma-realize. Kaya siguro tinanong ni Nathan kung anong address ni Rica kasi alam niyang magkapitbahay lang kami. At kung nalaman niya ang address nila Rica, malalaman niya ang amin.

smart move

Pero ang galing talaga kasi nga may sarili siyang business. What if magpatayo rin ako ng sarili ko after ko grumaduate? Maganda kasi kapag marami kang pinagkakakitaan para incase na mawala ang isa, meron ka pang isang aasahan.

Nang makauwi si mama ay itinanong niya sa akin kung nasaan daw ba si Nathan, sabi ko naman ay umuwi na sa Manila at may aasikasuhin pa siya ro'n.

“Ahh.. ayusin mo na 'tong mga pinamili ko” sabi niya at ininguso ang mga pinamili niya. Dalawang box.

Dami naman nito.

Nagpatugtog muna ako before ko simulang ayusin ang mga pinamili niya. Music is life! Gano'n din ba kayo? Sa kahit na anong gagawin niyo, kailangan may music para motivated? HAHAHAHA.

Habang nag-aayos, kumuha si mama ng softdrinks at uminom. Pero bigla niya akong tinanong ng isang tanong na hindi ko inaasahan.

“kayo ba ng binatang iyon?” tanong niya.

Nakakagitla naman 'to, naglalagay ako ng paninda eh, bigla-bigla akong tatanungin.

“Huy Aphia, ano?”

“wala ma, walang kami” sabi ko sa kaniya habang napapakamot pa sa ulo ko.

“Sus, pero kung makatingin siya sa'yo.. alam ko na 'yan”

Kulit, wala nga sabi.

“Anong tingin?” I confusedly asked.

“Hindi mo ba halata sa mga mata niya na gustong gusto ka niya? Ay hindi marunong magbasa ng mata tsk tsk”

Lah? Kaya kong magbasa ng mata!

“hindi ko naman siya gusto” sagot ko kay mama habang nagsasabit ng mga kape.

“talaga? Hindi nga? Swerte ka ro'n. Gusto ko siya para sa'yo” sabi ni mama sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

Ngayon lang kasi siya nagsabi ng ganoong words kaya hindi ko maiwasang mabigla sa mga inilalabas niyang salita mula sa bibig niya.

“Bakit naman ako magiging swerte?” tanong ko at bumalik sa pag-aayos ng paninda.

“Eh syempre mukhang inaalagaan ka niya. Sumusunod din siya sa rules, kapag ganitong oras, ganitong oras lang talaga. Ibabalik ka niya sa amin ng buong buo. Mukha rin siyang mabait” paliwanag niya sa'kin.

Anong ma-swerte ro'n?

“Sus, lagi ka lang binibisita at binibigyan ng pagkain eh” pagbibiro ko sa kaniya.

“Hindi kaya. Pero wala ka talagang gusto sa kaniya? Gwapo rin eh” sabi niya sa'kin.

Umiling naman ako sa kaniya at hindi nagsalita.

Gwapo nga ma, nagulat nga ako sa laki ng pinagbago ng mukha niya eh.

Hindi ganoon kakapal ang kilay niya, ang dating chubby face ay nagkaroon ng jaw line na nakakamangha. Tapos mukhang nagg-gym siya, may biceps eh.

Luna et Lux (HIATUS)Where stories live. Discover now