LEL XIX

0 0 0
                                    

LEL XIX


Maganda ang gising ko at hindi ko alam kung bakit. 9 am pa lang ng umaga at ang una kong dinampot ay ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang notifications ko bago bumangon. May chat mga kaibigan ko at siya. Hindi ko naman sila nireply-an dahil ayokong makipag-usap muna ngayon dahil kagigising ko lang.

Nag-unat-unat pa ako bago ako bumaba.

Morning routine.
Tulala nang 5 mins.
Bantay tindahan.
Cellphone.

Ang boringgg!! Hay nako. What if gisingin ko si kuya at sabihing nasusunog ang bahay?

Kaso hindi naman ako makakataas kasi bantay akong tindahan at umalis si mama.

Ay ewan ba. Hindi ko na alam.

Naglaro na lang ako sa cellphone ng word search. Maganda 'to. Libangan ko 'to eh, tanda ko pa nga may book na ganito tapos nagpapabili ako kila mama or daddy pero hindi ako mabibilhan kasi walang pera. Sa murang edad, naintindihan ko kaagad iyon, pero si kuya nakasimangot kaya napapagalitan siya ni mama lagi HAHAHAHA.

Maganda rin laruin yung scrabble, naranasan ko na maglaro nito sa mismong board niya, kalaban ko si kuya. Masaya siya as in! Kaso hindi naman sa'min yung board, sa tita namin. Kaya sa cellphone lang ako, eh ang kaso lang wala na akong storage.

Ayern.

Tapos yung wordscapes din, maganda rin. Oo mahilig ako sa mga ganitong laro, eh ano? Enjoy ko eh.

Pero minsan naglalaro ako ng mga barilan, want mo bang barilin kita? Beng beng.

Nang maramdamang nasa mood na ako makipag-usap ay kinausap ko naman agad ang mga kaibigan ko including Nathan.

Bumati ako pabalik sa kanila at nagscroll sa fb. Ah.. yung binabasa ko palang manhwa.

Agad akong pumunta sa app para magbasa ng manhwa and nakitang few chapters na lang bago mag-end at maghintay sa panibagong update.

Hays.

Nang matapos ko iyong basahin ay nagre-read na lang ako ng iba.

Habang nagbabasa ay napindot ko ang chathead kay Nathan at na-seen ang chat niya.

Ampt. Bakit kasi hindi ko pa inalis 'yon? Tinatakasan ko nga sila eh.

Nathan: hi there cutie, how's your sleep? What are you doing?

Ito nagrerelapse agang aga.

Me: secret.

Secret walang clue, kapag nahanap mo ang clue edi congrats, may mata ka!

Nathan: hays.

Napapagod na siya sa ugali ko oh, sige lang, mapagod ka lang.

Nathan: nami-miss na kita. Ang boring dito sa Manila. I hope you're here.

Ano namang ambag ko kung nandyan ako? Baka mamaya ang gawin lang namin diyan ay kumain nang kumain.

Me: ayoko

Luna et Lux (HIATUS)Where stories live. Discover now