PROLOGUE

5 1 0
                                    

"Magandang umaga Lianna." Bati saakin ni Aling Laurdes na may ari ng karinderyang lagi kong pinipuntahan sa tuwing wala na akong oras para mag-luto. Malapit lang ang karinderya nya sa inuupahan ko.

"Magandang umaga din po." Bati ko pabalik sabay tingin sa mga kalderong naka display sa harap ng kanyang kainan.

"Malapit na ang pasukan ah, may plano ka na bang mag aral ulit?" Tanong niya sakin. Napatigil namn ako sandali sa aking ginagawa pero maya maya lang din ay tumuloy na sa pag-pili.

"Hindi ko pa po alam e, wala pa po kasi akong ipon para sa pag-aaral ko." Sagot ko. "Isang order po nitong pancit palabok." Patuloy ko habang sinasabi ang napili ko.

Inasikaso niya ang order ko pagkatapos ay inabot na ito sakin. Inabot ko nmn ang bayad ko at pagkatapos masuklian ay nagpaalam na ako sakanya.

Dumaretso ako sa aking apartment para makakain na dahil may trabaho pa ako. Pag ka dating sa bahay ay mabilisan nalang akong kumain pagkatapos ay naligo na at umalis na rin pagkatapos.

Pag ka dating doon ay naabutan ko ang manager na binubuksan ang store, tumulong na din ako sa pag bubukas at pag aayos sa loob.

Madami dami na din ang lumalabas pasok sa store para bumili ng almusal o ng anong kailangan nila.

"That will be 225 sir." Sambit ko sa isang customer pagkatapos i sscan ang binili nya. "I received 300 pesos sir, here's your change. Thank you sir come again." Nakangiting sambit ko sa customer, umalis na ito ng hindi manlang ako tinutugon pero nasanay na ako dahil ang ibang customer din naman e ganayan kung umasta.

Sinundan ko ng tingin itong lalaking naka itim na hoodie hanggang sa makalabas ito at mawala sa paningin ko, pag ka baba ko ng tingin sa counter ay may napansin akong isang papel na naiwan nya.

Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. "Libreng scholarship!?" Nagulat ako sa nakasulat dito. Kung seswertehin ka nga naman, salamat talaga dun sa lalaking pumunta dito at naiwan nya itong flyer na to.

WHODUNIT UNIVERSITY HERE I COME!

************
WHODUNIT UNIVERSITY

-Liana_Nepo

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Songs, Places, Events and Incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Whodunit University (On-going)Where stories live. Discover now