CHAPTER 1

6 1 0
                                    

IT'S my first day here at the Famous University the Whodunit University. I walked through the university gate while eyeing the students that entering the university.

'Mga mukang mayayaman. Sabagay mayayaman nga lang pala ang nakakapasok sa gantong kagandang unibersidad. Salamat talaga dun sa misteryosong lalaki na nakaiwan ng flyers sa store'

"Hey you!" Sigaw ng kung sino. Napatigil naman ako at tumingin sa likod at nakita ang guard na nakatingin sa gawi ko.

Nagtataka kong nilibot ang paningin ko, ngunit ako lang ang nagiisang estudyante na tumigil at wala ng ibang estudyante ang nasa gawi ko.

"Uhm, ako po?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"Yes you! Who else? Are you a new student?" Matapang na sagot nya sakin. 'Grabe kahit guard English speaking'

"Ay sorry," dali dali kong binuksan ang bag ko at hinanap ang enrollment form ko. "here's my enrollment form." Sabay abot ko sakanya ng enrollment form ko.

"Uhm do you mind where's the principal office?" Tanong ko pa at tinuro naman nya ang daan papunta don, nag pasalamat ako bago tumalikod sakanya.

"Ah yes I forgot, here's a tip for you as a new student, if you see someone getting bullied just walked passed them and don't mind them." Biglang sabi nya kaya napatigil ako sa paglakad at napaharap ng bahagya sakanya. Nagtataka namn akong nagpasalamat ulit sakanya.

Naglakad na ako papasok ng unibersidad at may nakita akong billboard kaya nilapitan ko ito at tinignan.

Habang tinitignan ko ang billboard na nalapitan ko ay may narinig akong nagtatawanan malapit saakin. Ng lingunin ko ito ay nakita ko ang dalawang estudyante na pinagtatawanan ang isang lalaki na nasa sahig.

'Mga bully!'  Lalapitan ko sana ang mga ito ngunit bigla kong naalala ang sinabi saakin nung guard kanina, pero tinangal ko na ito sa isip ko at nagpatuloy sa plano kong pag lapit sakanila.

Pag kalapit ko sa kanila ay hindi ko pinansin ang dalawang bully at lumapit na agad sa lalaking nasa sahig.

"Okay ka lang?" Tanong ko sabay suri sakanya. Mukhang kinuha nila ang pera nya ah base na rin sa narinig kong sinabi ng bully kanina. Tinignan nya lang ako at hindi tinugon. Dumukot naman ako ng pera sa bulsa ko at kahit kakaunti lang ang baon ko ay inabot ko ito sakanya. "Here, kunin mo, may extra money pa naman ako for lunch mamaya." Nakangiting sabi ko pa habang inaabot sakanya yung allowance ko.

"Oh look, Nico got a protector now." Natatawang sabi nung isang lalaki kaya napatingin kami sakanya nung Nico na binubully nila.

"Shut up Dwayne!" Sigaw ni Nico habang nagmamadaling tumayo at tumakbo na paalis.

"Wait!" Habol ko dito pero nagpatuloy ito sa pagtakbo kaya naiinis na binalikan ko nalang yung dalawang bully.

"Hoy kayo! Unang araw ng pasok nambubully na agad kayo, wala ba kayong magawa sa buhay ha?" Nang gagalaiting sigaw ko sa kanila. Tinignan naman ako ng mataray nung babaeng bully at pinagtawanan.

"Mind your own business miss." Nakakatakot ang ngising ipinakita sakin nung lalaki pag katapos nyang banggitin iyon. Hindi naman ako natinag at nilabanan lang ang tingin nila.

"Yes, and don't you dare to stop us whenever you see us bullying that student or any other student here. You won't like to be our next target." Mataray na sambit sakin nung babae. " so if I were you, I will just mind my own business." Sambit nya habang nakangiti pa.

Whodunit University (On-going)Where stories live. Discover now