She

14 3 0
                                    

Nakaupo ako ngayon, nag-iisa.

Sa di kalayuan, nakita ko siya.

Pero agad akong umiwas ng tingin.

Pumayat siya.

Di ko namalayan, nasa harapan ko na pala siya.

Tinanong niya ako kung kamusta na ako.

Gusto kong sabihin na hindi ako okay.

Pero ayoko.

Tumingala ako sa kanya sabay sagot ng "mabuti naman ako".

At tsaka umiwas agad ako ng tingin.

Di ko kayang tumingin sa kanya dahil naiiyak ako.

Miss ko na siya.

Sana maibalik lahat ng nakaraan sa amin.

Ang mga magagandang ala-ala namin sa isa't isa.

Pero hindi na iyon maaari.

Dahil sariwa pa ang mga sakit na ginawa niya sa akin.

Naalala ko pa sabay kaming nangako na walang mang-iiwan at walang iwanan.

Pero isang araw, hindi na natupad ang mga pangakong iyon.

Iniwan niya ako.

Iniwan niya ako para sa ibang babae.

At ang masaklap pa sinabi niya sakin na hindi niya na ako mahal.

Walang emosyon

Tinatanong ko pa nga sa sarili ko...

Bakit niya ako iniwan?

Akala ko ba walang iwanan at walang mang-iiwan.

Ano bang nagawa kong mali?

Nagsawa ba siya sa akin?

Minahal ba niya talaga ako?

Ni isa sa mga tanong na yon walang masagot.

Ang sakit, sakit.

Ngayon nandito siya sa harapan ko.

Sinabi niyang "miss na kita".

Di ako tumingin.

Hindi iyon totoo.

Sinabi niyang "mahal pa rin kita"

Agad naman akong tumingala sa kanya.

At tinignan ko siya ng diretso,walang emosyon.

Umiwas siya ng tingin.

Mas lalong hindi iyon totoo.

Ni hindi nga niya magawang tumingin sa akin ng diretso.

Hindi totoo lahat ng sinabi niya.

Nagulat ako noong niyakap niya ako.

Di ako makapagsalita.

Ramdam ko ang mga kabog ng dibdib niya.

Inulit niya ulit ang mga salitang sinabi niya...

Miss na miss na kita...

At...

Mahal na mahal kita.

Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin.

Di ko na namalayan na may tumutulong luha sa aking mga mata.

Pinunasan ko ang mga luha ko agad.

Humarap na ako pero wala na siya.

Mahal din kita.

Mahal pa rin kita hanggang ngayon.

I still love you.

He αи∂ SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon