Dedicated to: vean-evl, IntrovertLala, & yeojacosmos, enjoy reading!
🔞: 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚
CHAPTER 10
Walang imik si Nikki Miguel na naglalakad sa tabi ko, habang ginigiya ako patungo sa sasakyan niyang nakaparada. Nang makasakay ako ay pinaplano ko na sa aking utak ang mga gagawin pagkatapos nito.
An hour later, Nikki Miguel parked his expensive car in front of a big classic house. Tansya ko ay limang palapag iyon. Binigay niya lang ang susi sa guard at giniya ako papasok sa loob.
"Bahay mo?" I asked.
"Nope, my mother owns this house."
Binuksan nito ang pangalawang pintuan sa pinakatuktok ng bahay. Namilog ang mga mata ko ng makita ang loob ng kwarto niya. Kasing laki na rin ito ng bahay! Kompleto ang gamit sa kwarto niya. Mini fridge, stools for cooking, laundry area, bathroom, and many more that I can see in our house in Makati.
"Wow," mahinang sabi ko sa sarili.
Para akong nanliit bigla habang ginagala ang mga mata sa bawat sulok ng kwarto niya. The theme was black and white. The interior design was really good. Mukhang pinag-isapan talaga ng nagdisenyo nito ang gagawin. May mini poster na nakasabit sa dingding. Ang nag-iisang official poster nila ay siya ang nagtabi.
Kwarto pa ba ito? Parang isa na nga itong bahay sa sobrang lawak at laki. May bahay sa loob ng bahay.
"So what now?" madilim ang mukha niyang tanong. Nakasandal siya sa pintuan ng banyo at mariing nakatitig sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at natahimik.
"I won't take advantage on you. I'm no saint but, I'm not a slave of my libido." Inilahad niya ang kamay sa kabuohan ng kaniyang kwarto. "You can come here whenever you want, just don't open the next door." Pumasok siya sa loob ng banyo.
Akala ko ay tuluyan na siyang nakapasok pero hindi, sumilip siya sandali bago nakangising humarap sa akin.
"I will leave the door open. If you want to conserve water, you can join me. Like what I've said earlier, I'm no saint." Aniya bago tuluyang pumasok.
"What the heck? Crazy."
Naihilamos ko ang aking sariling mga palad sa mukha ng ma-realized ang kagagahan kong desisyon.
"What the hell are you thinking, Tiana?" I shake my head. "Hindi ka talaga nag-iisip kapag mas'yadong masakit ang nararamdaman mo!" bulong-bulong ko.
Muli kong nilingon ang banyo. Rinig ko rito sa labas ang lagaslas ng tubig mula sa loob. Ano kayang ginagawa niya sa loob?
"My gosh, Tati! Malamang naliligo! Minsan talaga hindi mo nagagamit utak mo ng maayos, e." Inis na sabi ko sa sarili.
Malakas akong napabuntong-hininga at napasabunot sa sariling buhok. Sa dami kong pwedeng isipin, iyon pa talaga? Ang dami ring pwedeng mangyari sa buhay ko, lalo na rito sa kwartong ito once na lumabas na siya ng banyo.
Naglakad-lakad ako at isa-isang nilapitan ang mga nakasabit na painting sa dingding. Una kong hinawakan ay 'yong picture niya na nakasuot ng pang military. Pindaan ko ang mga daliri ko sa mga picture frames niya hanggang sa mapunta ako sa pinakang gitna ng mga ito.
Picture iyon ng nakatalikod na babae. Hanggang beywang ang nakalugay na itim na itim na buhok. Nakasuot din ito pink cocktail dress. Mukhang nasa loob ng bar.
BINABASA MO ANG
ALCANTARA SERIES #1: I'm The Idol's Obsession
Romance🔞: 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 | MATURED CONTENT | ONGOING ALCANTARA SERIES #1 Tatiana Tiffany Alcantara, one of the famous Alcantara cousins. She's the only daughter and also the pride of their family. Her main goal is to become an idol, just like her idol, ev...