ULAP

4 0 0
                                    

Sa isang malawak na karagatan
Sa ating magagandang tanawin sa kalangitan
Sa bawat pag patak ng mga nyebe at ulan
Ikaw ay parang isang ulap sa kalangitan, napaka ganda mong pag masdan,
Ako ay nabighani,
Ako'y nabighani sa isang babaeng simple at maganda,
Mata niya ay kaaya aya at bawat sulyap ay nakakahalina.
Kahit simpleng mga ngiti niya,
Puso ko ay lubos na nakakaramdam ng tuwa.
Di ako mapakali kapag di kita masilayan,
Ikaw yung tipo ng babae na kahit ilang beses mong titigan , hindi ka magsasawang pag masdan.
Subalit ano nga ba ang aking nararamdaman
Parang gusto na kita,
Parang gusto ko ng sabihin sayong

Ngunit paano
Paanong sasabihin na gusto kita , kung may takot sa dibdib ko
Takot na sabihin sakin na" hindi naman kita gusto"
Pero sana kahit ganun pa man hayaan mo lang ako
Hayaan mo na lang na ikaw ay aking mahalin,
At kahit sa panaginip man lamang ikaw ay maging akin.
Alay ko ang aking tunay na pagmamahal,
Pagmamahal na minsan mo ng naramdaman,
ngunit nabigo , minsang umiyak
Hindi makatulog, at hindi na maka halakhak

Kaya mo yan
Dahil isa kang ulap,
Minsang naglalabas ng luha na nag dudulot ng pag ulan sa buong mundo
Isa kang ulap na nag hihiwa hiwalay ngunit unti unting nabubuo
Isa kang ulap sa malawak na kalangitan
Ulap sa malawak na kalangitan , naka-ukit ang mga pangalan sa aking puso at isipan
Isa kang ulap, na kahit saan ako magpunta palagi pa rin kitang gustong masilayan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ULAPWhere stories live. Discover now