'I'll see you in any part of the campus, just not in dean's office.'
__
Kakababa ko lang mula sa sasakyan ni Thana ay mabilis na kong tumakbo papasok sa university namin dahil balak kong dumaan sa locker room upang maiwan doon ang uniporme ko sa PE na aksidente kong nadala kanina. Nakalagay kasi ito sa isang paper bag kasama ang isa kong libro at dala ng sobrang pagmamadali ay hindi ko na ito nagawang iwan.
"Careful, Harper." rinig kong sigaw ni Thana ngunit hindi ko na iyon pinansin ba. Baka ma late lang ako kaya mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo.
Hinihingal akong pumasok sa building namin at bago pa man ako makaabot sa tapat ng hagdan ay may nabangga akong isang babae na sa wari ko ay estudyante rin sa ASU.
"What the hell?" medyo maarteng aniya habang tinitignan ang bag niyang nahulog dahil sa 'kin.
Mabilis ko siyang tinulungan at walang lingon na iniwan. Ang tanging nasabi ko lamang ay, "Ito po."
"Wait-" rinig ko pang aniya ngunit hindi na 'ko nakinig. Mas mahalaga sa 'king hindi mahuli sa klase ko. Sa pagkakaalam ko pa naman ay si Prof. Aragon ang unang Prof namin ngayong umaga.
Para akong nabunutan ng tinik nang pumasok sa classroom na kakaunti pa lang ang mga kaklase ko na naroon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko at tinignan ang relo ko kung anong oras na ba. Saktong meron pa 'kong thirty minutes para gawin ang gusto ko.
Kinuha ko ang paperbag na dala at dumiretso sa locker room. Sa pagkakataong iyon ay hindi na 'ko tumakbo. Masyado pa naman kasing mahaba ang oras kaya ako man ay hindi ko naintindihan kung bakit ganun na lang din ang pagtakbo ko kanina.
Pagkatapos sa locker room ay dumaan ako sa banyo upang ayusin ang pawisang sarili bago tuluyang bumalik sa classroom namin. Napakunot ang noo ko nang mapansing may nakaupo na sa katabing silya ko. Pangdalawahan kasi ang table namin at noong unang araw ko pa lang sa klase ay alam ko nang walang kahit na sino ang magtatangkang tabihan ako. Kaya sino kaya ito?
"Hi po." ngumiti ako at binati ang babaeng nakayuko sa mesa, natutulog ata.
Dahan dahan siyang tumingin sa gawi ko at peke akong napangiti nang mapansin na siya ang babaeng nakabanggaan ko kanina. "What?" masungit na tanong niya.
"Ay, wala po." pag iwas ko at umupo na sa upuan ko.
Nang siguro'y mapansin niyang sa tabi niya 'ko uupo ay umayos siya at pinagmasdan ako na ayaw na ayaw kong ginagawa ng tao. Tuloy ay tensyonado ako habang nakaupo sa tabi niya.
"What's your name?" tanong niya bigla. Nag aalangan naman ako kung titingin ba 'ko sa kanya. "I'm a late enrollee, and I did not expect na kaklase ko ang unang nagpa init ng ulo ko sa university na 'to." dugtong niya.
"I'm Harper Tinsley." sagot ko, piniling iwasan ang huli niyang sinabi. Iniisip ko tuloy na baka aalis na siya ng upuan.
"Nice to meet you Harper. I'm Ace. Do you have a habit of rushing and when you bump someone you'll just run away?" hindi ko alam kung insulto ba iyon o ano.
"Pasensya na--" tumikhim ako. "Nagmamadali kasi ako, akala ko kasi male-late ako. Gusto ko lang naman na dumaan sa locker room para maiwan ko yung PE ko na aksidente kong nadala na bukas pa sana yung--"
"You're over-sharing," she interrupted me. "I just want an apology so that I'll know that you did not do it on purpose."
Huh? Bakit ko naman sasadyain na banggain siya? Hibang ba 'ko? Wala akong planong saktan ang ibang tao sa wala namang tamang dahilan.
YOU ARE READING
Our Destiny [OUR SERIES #3]
Teen FictionI despise infidelity. Growing up inside an abusive and unfaithful household, I have learned that it was those who look for more than what their lover could give them, ruin a family. Hearing my mother's desperate cry after finding out that my father...