CHAPTER FIVE

20 2 0
                                    

Dahlia’s PoV

Mataman kong pinapakinggan ang mga kuwento ni Addam kabang pauwi kami. Hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang nararamdaman, lalo na nang pumayag si Enston na umuwi ako. I am literally shock when he didn’t even throw tantrums nang sabihin kung aalis na ako, tumingin lang ito sa tatay niya at saka tumango.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko bukod sa pagkagulat! Walang imik namang umalis si Dyeneo kasunod ako. But even I know Kenston let me, hindi nakatakas sa paningin ko ang sakit sa dumaan sa mata nito.

But I need to leave, they are not my responsibility.

Inihatid muna ni Dyeneo ang mga bata sa bahay nila habang walang imik ko silang pinagmamasdan, nang umiyak pa ang anak nitong babae habang paalis si Dyeneo.

Naupo ako sa passenger seat at tahimik lang na pinagmasdan ang kapatid ko, his expressions are too grim, at alam kong maraming marami na itong gustong sabihin lalo na sa narinig ko kanina, sa tanong nito kanina ay mas pinili kong hindi pakinggan, it’s not my business, kaya hindi ko rin alam kung paanong alam ni Dyeneo iyon.

“You’ll not really going to tell me everything, right?” natigilan ako kay Dyeneo nang hanggang sa makarating kami sa condo ko ay ngayon lang ito nagsalita.

Marahan kong ibinaba ang aking bag sa sofa at hinarap siya.

“What do you want me to tell you, brother?” mahina kong saad.

“I know you’re not friends with him at all, ate. Ano bang nangyayari sa’yo? His son treats you like his mother! At ikaw naman go na go sa pagiging ina! Really?”

“Dyeneo, wag mong idadamay ang bata rito” mariin kong saad, napamura ito ng mahina, he pinched the bridge of his nose.

“Ate! Talagang hahayaan mong magpakananay sa batang iyon? Sa kanila?! You don’t even know them!”

“Do you?” natigilan ito sa tanong ko.

“Hindi ko inaako ang responsibilidad ng isang ina, Dyeneo. Wala akong planong ganoon, at alam kong hindi iyon mangyayari! Nasasaktan lang ako sa bata dahil lumaki siyang kahit sinong babae pinagkakamalan niyang nanay niya, just because he never met his mom! All of his life!” tila nahabag ako nang naisip ang bagay na iyon.

“At ano? Ngayon na naaawa ka, gagawin mo nga?”

“No! Of course, no! Just please understand that boy, tatay ka na, Dyeneo! At alam kong kahit ikaw kung nasa sitwasyon mo ako ay mahahabag ka rin sa bata! He’s too innocent” mariin kong saad, nag-iwas ng tingin ito saka nakamot ang batok.

“That man, he’s a known architect, umabot ng forbes ang kagalingan niya sa pagde-desinyo, at isa siya mga kilalang architect na gumawa ng mga kilalang gusali sa labas at loob ng bansa, hindi lihim ang pagkakaroon nito ng girlfriend, at pagkamatay nito, saka ang biglang paglabas na may anak. Hindi ka ba natatakot na baka naghahanap siya ng nanay ng anak niya?”

“What the hell, Dyeneo? Naririnig mo ba ang sarili mo? Tatay ka na rin! Sa tingin mo ganoon na kakitid ang utak ng isang tatay para sa anak niya? That man can raise his son well! He has everything! Bakit hahanap pa siya ng nanay? Don’t judge them just because something’s missing in their life, Dyeneo! Hindi ka ganiyan!”

“I’m just scared okay?! Natatakot ako para sa iyo ate! Sobrang bait mo! Natatakot ako na maipit ka sa isang sitwasyon ulit!  Nakita kita kung paano ka nasaktan, kung paano ka nadurog! At natatakot akong maulit muli iyon!”

Malungkot akong napangiti sa sinabi ni Dyeneo, I reached his hand kaya naman ito napatingin sa akin.

“I moved on, Dyeneo. I already moved on, if you’re afraid that it left a trauma, then it’s a no okay? Or maybe, konti? But I know I’m all healed up. Thank you, thank you for thinking about my feelings, na ikaw pa ang galit hanggang ngayon dahil sa nangyari, but don’t worry I’m really okay.” Masuyong tumingin sa akin si Dyeneo.

Between your Dreams|•|Dream Series 5|•|[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon