CHAPTER THIRTEEN

23 1 0
                                    

Trigger warning…


Dahlia’s PoV

Napabuntong-hininga ako matapos kong maiparada ang sasakyan sa garahe, I carried my bag ang gown as I go out in my car. Nakita ko na agad sa entrada ng bahay ang lalaki, nakasandal ito sa hamba ng pintuan, and he’s wearing his pajamas but this is new, dahil nakasuot siya ng eyeglasses.

“Hey” marahan at mahina kong saad nang makalapit ako, agad itong umayos ng tayo and did his usual routine kinuha niya sa akin ang dala ko saka ako binuhat na awtomatiko namang pumulupot ang mga binti ko sa bewang niya.

“When’s your leave? Or do you have that?” natawa ako sa huli nitong sinabi. It’s been two months since I start working pero sa bawat reaksyon ng lalaki tila ba hindi ito nasasanay sa paguwi-uwi ko ng ganito. Nagkaroon din naman ako ng morning shift pero madalas talaga night shift ako.

“Why?” marahan kong saad habang nakasubsob ang aking mukha sa leeg niya, naramdaman kong umaakyat na kami.

“Just asking” natawa ako sa sinabi ko at umiling na lang. Hindi na rin ako nagulat nang makita na nasa loob ako ng kwarto niya, sanay na nga ako na dito madalas matulog eh, some of my clothes are here pati ang personal hygiene ko, hindi ko alam kung kelan ko inilagay ang mga gamit ko dito.

Tila sobrang bilis ng mga pangyayari na wala akong makuhang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.

Naupo siya sa kama dahilan para mapaupo rin ako sa mga hita niya. Agad akong umalis sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan ito.

“Why are you wearing your glasses?” puna ko, he sighed and removed it.

“I’m reading some reports, hindi ako makatulog eh.” Tumaas ang kilay ko saka tumango.

“Kenston will be enrolled three months from now, may napili ka na bang school para sa kaniya?” natigilan ako sa sunod nitong tanong, napatitig habang nakaawang ang labi.

“Why…Why are you asking me that?” nagugulat kong saad, it’s personal matter!

“What do you mean why? You’re his mother.” Kung kanina ay nabigla ako, ngayon ay mas nagulat ako! This is the first time that he personally telling me and claiming me as his son’s mother!

Namamangha ko siyang pinagmasdan, and I can’t find any words for an answer!

“Kieroz” dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi ko maiwasang maiusal ang pangalan nito. Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya kasabay ng pagpulupot ng mga braso nito sa bewang ko.

“Hmm? May school ka na bang napili?” napalunok ako sa riin ng tingin nito saka dahan-dahang nag-iwas ng tingin.

“I want to consider the school where my brother wants Addam to attend his study. Nakita ko rin ang environment nito and they have tight security” marahan kong saad saka ibinalik ang tingin sa kaniya, wala itong pag-aalinlangang tumango. He’s really considering my suggestions!

“Then we can have that, mas magandang magkasama sila ni Addam kasi mukhang magkaibigan na talaga sila ni Enston, it’s a good start for him.” Tumango naman ako saka marahang hinaplos ang buhok nito.

“Yup, and I’m excited to buy him school supplies! And bag!” nakita ko ang pagngiwi ng lalaki sa suhestiyon ko dahilan para masama ko itong tingnan.

Sa ekspresyon nito alam kong tutol agad siya sa sinabi ko.

“We can consider buying in National Bookstore, and a simple bag” agad na umasim ang mukha ko nang sabihin ang huli. Simple bag?!

Between your Dreams|•|Dream Series 5|•|[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon