A/N: Y/L/N- Your Last Name
~~+~~
Y/N's.
Masaya ako sa anong meron ako ngayon. Merong magandang girlfriend, magandang trabaho, at tanggap din ako ng pamilya ng aking girlfriend. Sino ba girlfriend ko? Syempre ang nag-iisang Mikha Lim na isang miyembro na sikat na P-POP group na ang pangalan ay BINI. Yup, she is my girlfriend! Masaya diba? Ano naman ang work ko? Ang pinaka masayang trabaho sa buong mundo, isang body guard. Masaya kaya maging body guard, lalo kung ang binabantayan mo ay yung girlfriend mo.
Personal Body guard ako ni Mikha. We developed our feelings and we are so happy dahil tanggap ako ng kanyang mga magulang, pati ate at kuya niya. But not everyday ay happy tayo. Why? Dahil ang relasyon namin dalawa ni Mikha ay kami at ang pamilya lang nakakaalam.
Not her friends or her groupmates, especially not their manager. Sinabi kase sa kanila ng manager nila na no relationships first. Distraction lang daw iyon. Pero still, lucky pa rin kase kasama ko siya everywhere she goes.
"BINI Mikha!"
"I LOVE YOU BINI MIKHA!"
"ASAWAHIN MO KO, BINI MIKHA!"
"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND MIKHA?!"
May cons din ang pagkakaroon ng secret relationship. Hindi mo ito maiiwasan. But I know na they are just admiring Mikha. I mean, look at her. Sino hindi maiinlove sa kanya?
"Thank you po!" Sagot ni Mikha sa mga fans habang naglalakas kami paalis ng mall. Nag-perform sila kase kaya ito, duty din ako.
Natamaan pa nga mukha ko sa pagiging die hard fan ng BINI. "Okay ka lang?" Pag-aalala ni Mikha sa akin.
"Yes po, ma'am." Sagot ko. When we are at business, dapat formal din ang relationship namin.
Kinuha ko lahat ng gifts from their fans and kita sa kanilang masaya sila with their BLOOMs, taawg sa fans nila. Nag-ssigning autograph ko na ang mga girls at ako busy lang nakatingin sa mga nakapila para makipag-meet and greet sa kanila.
"Y/N?" Narinig kong tawag sapangalan ko at napatingin ako sa likod ko.
"Dianne?"
"Ako nga!" Yakap ito sa akin. "Kamusta ka?"
"Okay lang. Teka lang, Dianne. May trabaho pa kase ako." Turo ko sa mga nakapilang fans.
"Ay! Sige, okay lang ba, if free time mo, usap tayo? Catch up lang."
"Y/N! Akon a bahala dito, break mo muna." Sabi sa akin ng kabigan ko na kat-workmate ko din, body guard siya ni BINI Maloi.
"Ayun naman pala, saglit lang naman ito, Y/N." Sabi ni Dianne.
Tumingin ako kay Mikha at busy pa rin siya sa fans niya. Tumango na lang ako at sumunod kay Dianne.
Linibre lang niya ako sa Milktea Shop na malapit lang dito. Kita pa rin sila Mikha kahit papaano. "Huy! Break mo kaya! Usap muna tayo." Sita ni Dianne sa akin.
"Ito, maayos naman ako. Masaya nga actually." Sagot ko kay Dianne.
"Akala ko nga pulis ka na eh, body guard pala nagging trabaho. Okay lang kase kasama mo yung sikat na group." Sabi niya sa akin habang umiinom.
"Iyon nan ga ang masaya eh. Idol ko din yung grupo." Napangiti kong sabi.
"Sino ba bias mo diyan?"
"Syempre yung binabantayan ko, si BINI Mikha."
"Ikaw ah! Crush mo noh?" Asar ni Dianne.
"Sinong hindi? Pero may limitations pa rin." Drama ko sa kanya.
"Paano kaya yun noh... Naging girlfriend mo siya." Naubo naman ako sa sinabi niya, paano ba naman. Nalunok ko yung pearl bigla dahil sa sinabi niya.
"Huy! Uminom ka muna ng tubig- shit!" Natapon ni Dianne yung tubig sa dibdib ko. "Sorry! Ate pwede pahingi tissue at tubig pa?" Sabi ni Dianne sa cashier.
"Ayos lang, Dianne." Sabi ko habang naubo pa rin. Binigyan naman niya ako ng tubig at napa-inom ako bigla.
"Better." Sabi ko at si Dianne naman agad pinunas yung basa sa dibdib ko. "Ako na, Dianne."
"Sorry! Hayaan mo na ako, kasalanan ko kase." Sagot naman niya.
"I believe tapos na ang 10-minute break mo, Miss Y/L/N." Napadilat ng buo ang aking mata at napansin ko din lumalakas ang hiyawan ng mga tao. Tumingin ako at nanduon lang naman ang galit kong girlfriend ay este boss.
"Mikha! I mean... Boss. A-ay sorry. Di ko po napansin yung oras." Shit! Nakakatakot pa naman ito magait. She crossed her arms at naka taas ang isang kilay niya.
"Halata nga. Busy ka masyado kase makipag-landian." Ito na nga. Galit na nga.
"S-Sorry po. Ako may kasalanan. Uhm, hello po! Idol ko po kayo BINI Mikha. Ayos lang ba magpapicture?" Sabi ni Dianne pero hindi ito pinansin ni Mikha.
Instead, she grabbed my hand at hinatak ako palayo sa crowd. "Teka, Mikha. Hinahabol tayo ng mga tao." Sabi ko. Agad naman ako ang humatak sa kanya at naghanap ng matataguan. Mabilis kami tumakbo at swerte may nakita akong Fire exit.
Hintay naming mawala ang mga tao bago kami bumalik. "Okay... Wala ng tao. Tatawag na ako ng back-up... Aray! What was that for?" Bigla naman ako sinampal ni Mikha. Oo ng apala, galit ito.
"Ewan ko sayo!" Sigaw niya at akmang aalis na mag-isa.
"Teka lang! Tatawag nga ako ng back-up." Pigil ko sa kanya.
"Back-up ng aba or yung babae mo kanina?" Inis niyang sinabi.
"Anong babae? Huh?"
"You were flirting with her earlier! Nagb-break ka ng walang paalam sa akin!" Hinampas niya ulit ako at buti pinigilan ko siya.
"Hindi ako nakikipag-flirt, ano ka ba? And sorry kung hindi ako nakapag-paalam. Hinatak na lang kase ako bigla ni Dianne." Explain ko sa knya.
"So her name is Dianne?" Nakataas na naman ang isang kilay niya. "Atat ka ata makasama siya kaya hindi ka nagpaalam sa akin."
"Anong atat? Hinaltak nga lang niya ako. Teka... nagseselos ka ba?" Napangiti ako bigla sa inaasta niya.
"What? Seriously, ngayon mo iyan itatanong? Ewan ko sayo! Duon ka na sa..." I cut her off by kissing her lips. Buti napakalma ko siya.
"I'm sorry kung hindi ko sinabi. Busy ka din kanina nung magpapaalam ako, bigla na rin ako pinalitan sa pwesto. And also, wala akong babae. She is just a friend of mine." I assured to her.
"Pero she's touching you kanina!"
"Aksidenteng natapon yung water sa damit ko, triny lang niya ako tulungan punasan damit ko. Walang malisya, Mikha. Ikaw lang pwede humawak sa akin." Explain ko muli sa kanya at ang mukha niya ay unti-unting kumalma.
"Sorry. Nasanay akong kasama ka palagi. Nasanay na lagi kita nakikita."
"And I will do that everyday. Nagkataon lang nagkausap kami ni Dianne. She's just an old friend of mine. Ikaw lang gusto ko, mahal ko, iibigin ko, poprotektahan ko. Lahat, ikaw lang." Yinakap ko siya at dama ko ang paghigpit ng kamay niya sa damit ko.
"Ako lang ah."
"Ikaw at ikaw lang."
~~+~~
Words: 1109
BINABASA MO ANG
Imagines with BINI Mikha (GXG)
FanfictionOpen for Requests. Main Bias ko po si BINI Mikha kaya lahat ito ay one-shots with her. ⚠️-Warning Ahead