Mikha's.
Finally! Tumunog na rin ang bell. Last subject na namin ito and it's time to go home. Nag-aayos na ako ng gamit ng biglang may kumatok sa classroom door namin and biglang nagtilian ang lahat na naduon si Isaiah, isa sa mga binusted ko.
He's holding a flower and looking at me. Napa-rolled eyes na lang ako. Kahit kelan hindi na siya tumigil.
"Girl, pagbigyan mo na kasi." Sabi ni Stacey, friend ko.
"Hindi talaga iyan titigil." Sunod na sabi ni Gwen.
"Ano ka ba! May libreng chocolates nga tayo palagi galing sa kanya." Sabi naman ni Maloi.
I just groaned and continued packing up my things. "Hi, Miks." Argh! Wala siyang karapatan to call me that.
"For your information, it's Mikha. Hindi tayo close." Masungit kong sabi at naglakad na palabas.
"Sorry, Mikha. Gusto ko lang ibigay ito sa iyo." Sumusunod pa pala siya.
"I-donate mo na lang yan sa sementeryo. Maraming kaluluwa masisiyahan sa hawak mo." I sarcastically answered him.
"Magaling ka din pala magpatawa, Mikha. Kaya crush na crush kita eh."
"Isaiah! Sinabi ko na sayo, wala akong gusto sayo at ayaw ko rin magpaligaw. Huwag mo kong hintayin tawagin si Kuya Enzo parang lang bantayin niya ako." Inis kong hinarap siya at alam kong nakakatakot si kuya here sa school.
Bigla na lang tumalikod at tumakbo palayo siya sa amin. "Grabe ka naman, Mikha." Sabi ni Maloi.
"Sana matuto na siya." Sagot ko at nagsimula na maglakad papunta sa gate.
Everyone here knows about my family. Especially, my kuya Enzo. He rules the school. Kahit wala na siya, once someone heard his name, natatakot na ang lahat. One of the perks of having a big bad scary brother.
As we reached the gates, from masungit kong mukha, napangiti ako bigla. "Ate Y/N!" Sigaw ko sa kanya.
She's just there, leaning over her car with shades on. Ang pogi!
"Ayun naman pala... sa matanda ang hulog." Rinig kong asar ni Stacey and I just glared at them.
"We are just 6 years apart," I answered.
"Duh! Friend siya ng Ate Pat mo." Sagot ni Maloi sa akin.
That's right. Crush ko ang best friend ng ate ko. Pero hanggang pangarap na lang iyon, dahil Y/n respects my ate too much.
Linapitan ko na lang si Ate Y/n and smiles at her. "Why are you here?" Tanong ko sa kanya.
She sighed and took off her sunglasses. "Inutusan ako ni Pat na sunduin ka at ng kaibigan mo." She responds coldly. Ganya naman siya palagi pero crush ko pa rin siya.
"Uhmm... may pupuntahan pa sila. Ako na lang ihatid mo." Sabi ko sa kanya.
"Uy girl! Pala-desisyon ka? Wala naman kami pupuntahan. Libreng sakay na rin kami kay Ate Y/N." Reklamo ni Gwen.
Humarap ako sa kanila at minataan ko na lang sila. Meaning I want to have some alone time with Ate Y/N. "Ayun naman pala. Lalandi lang." Mataray na sabi ni Maloi.
"What?" Sabi ni Y/n.
"Sabi nila aalis na daw sila. Diba girls?" Minataan ko ulit sila.
"Oo, sorry ate Y/n. May pupuntahan pa pala kami." Sabi ni Stacey.
"Ganon ba? Hatid ko na kayo."
"Ay, hindi na po. Malayo pa po iyon, sa New York pa kase kami." Sagot ni Gwen. Napa-face palm na lang ako.
BINABASA MO ANG
Imagines with BINI Mikha (GXG)
FanfictionOpen for Requests. Main Bias ko po si BINI Mikha kaya lahat ito ay one-shots with her. ⚠️-Warning Ahead