Chapter 1

1 0 0
                                    

Chapter 1

Hindi ako sumagot nang sabihin iyon ni Mommy sa akin.

Ang tagal kong gustong marinig ito mula sa kanila pero nang marinig ko na ito, parang gusto ko nalang huwag na marinig ito.

Bakit siya nagsorry? Para saan? Nagsorry lang ba siya dahil na guilty siya? Kung gano'n ay huwag nalang.

If you're saying sorry on someone, you should know why. Dapat alam mo yung rason kung bakit ka humihingi nang tawad at hindi lang dahil sa na-gguilty ka.

I've been there a lot of times. People always say sorry to me just because they're guilty.

And now, I don't know what to reply when my mother said those words. Why is she sorry? For leaving us ni Ate? For breaking their promises?

In the end, I didn't say a word and just enter my room and fell asleep.

Maaga akong nagising ngayong araw. Lunes na ngayon at ang unang araw ng aming klase. My first day as a senior highschool student.

Naligo ako at nagbihis. Dahil hindi pa namang required na sumuot ng uniform, nagsuot ako ng color green na crop top, baggy jeans at combat boots.

Hinayan kong nakalugay ang buhok ko. Naglagay din ako ng simpleng make-up bago nilagay ang headphones sa leeg. After fixing myself, I looked on the mirror and smiled. Ganda.

I walked out of my room and almost screamed when I saw my sister standing in front of the door. Napahawak ako sa dibdib ko.

I glared at my sister. “Be thankful enough that I have no heart problem or kanina pa ako nakahandusay dito sa sahig.”

Tumawa lang ang ate ko. Akala siguro nito nakakatawa siya.

Bumaba kami ng hagdan at napansin ko ang tahimik ng bahay. Or so I thought. . .

Dumiretso kami ni Ate sa kusina at nakita ko si Mommy na nakasuot ng apron. She’s cooking. Base sa amoy ng niluluto niya, chicken curry ito ─ my favorite.

She seems to notice our presence kaya bumaling ito kung saan kami nakatayo.

Her eyes widened. “Gising na pala kayo. Umupo na kayo at malapit nang matapos ‘tong niluluto ko.”

Umupo ako habang si Ate naman ay tinulungan si Mommy. I noticed that our mother keeps on glancing at my direction but never said anything.

Well, I prefer that anyway.

After niyang magluto ay nilapag niya ito sa hapag-kainan. Nilagyan din ako ni Ate ng kutsara’t tinidor at pinggan.

Tumayo ako para kumuha ng kanin at chicken curry. As I sat down, my mother poured some orange juice and gave the glass to me.

Tinignan ko lang siya bago mag-thank you. The three of us ate in silence. Pansin ko rin na parang wala si Daddy.

“Uhm. . . ang aga mo naman gumising, Mom? Wala kang work?” My sister broke the silence.

I didn’t raise my head but my ears were listening.

“Maaga kasi nagising ang Daddy niyo kasi may work siya sa Cebu. Kaninang alas quatro alis niya at dahil may mga klase kayo ay naisipan ko nalang na magluto. And no, sweetie, wala akong work.”

Huh. Strange. Usually we wouldn’t found them after we woke up. Palagi kasi sila wala dahil sa mga trabaho nila na minsan ay out of town pa. Kaya it is really new to me to know that she doesn’t have a work today.

We again ate in silence. Wala naman kasi akong masabi. Isa pa, nagmamadali na ako kasi ang layo pa ng school ko.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nilagay ang pinggan ko sa lababo bago dumiretso sa kwarto para mag-toothbrush.

Mixtape: Broken Promises (Mixtape Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon