"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko ginustong pangarapin na sana maransan ko ring maramdaman na mahal na mahal ako!"
"Binigay ko sa'yo lahat! Inintindi kita! Sinusunod kita! Ano pa bang pagmamahal ang gusto mong ibigay ko sa'yo?!"
"Pagmamahal na masaya! Masaya. Mahal mo'ko pero masaya ba tayo?! Wala kang ibang inuuna kung hindi 'yang putang-inang career mo! Pagmamahal na ba sa'yo na kumakain tayo sa labas bilang apology dahil hindi mo'ko nasipot sa lakad natin dahil may iba kang priority?! Pagmamahal ba sa'yo na binibigyan mo'ko ng regalo para pagtakpan na hindi mo na 'ko nabibigyan ng oras! Pagmamahal na ba sa'yo na nag-uusap na lang tayo dahil nakasanayan na lang natin?! Kung 'yan lang ang pagmamahal na pinagmamalaki mo sa'yo na 'yan! Putang-inang pagmamahal mo na 'yan! Ni hindi mo alam kung okay pa ba 'ko! Hindi mo alam kung masaya pa ba tayo..."
"Dahlia Mahal kita. Ginagawa ko lahat nang 'to para din naman sa'yo eh. Gusto kitang bigyan ng magandang buhay–"
"Naiintidihan ko naman na iniisip mo 'yan.. Hindi, hindi mo ba ako maisisingit sa oras mo habang ginagawa mo 'yan? Ayaw mo bang tulungan kitang abutin 'yang pangarap mo para sa'tin.."
"Hindi mo nakikita mga effort ko, Dahlia."
"Hindi mo nararamdaman lahat ng pagtitiis ko, Magnus."
I cheated not to hurt him.
I cheated hindi sa paraan na lumandi ako sa iba, hindi sa paraan na pumupulupot ako sa iba.
Nagkagusto ako sa iba, sa ibang lalaki na ramdam na ramdam kong mahal ako. Nagustuhan ko 'yung taong takbuhan ko sa lahat ng pagkakataon. 'Yung taong kahit kailan hindi ko naramdamang mag-isa ako. 'Yung taong naging tagapakinig sa lahat ng sama ng loob ko. 'Yung taong naging panyo na taga punas ng luha sa mga matang pagod na pagod nang intindihin ang sitwasyon namin, na wala akong ibang hiniling kung hindi sana ay maging masaya lang.
Hindi ako nagloko.
Hindi ako nagtaksil.
Pero oo, I betrayed Magnus to be with the man who consistently made me feel loved and cared for.
Proverbs 4:23
Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.
_mrg >>
YOU ARE READING
Red Dahlia
RomanceThis is a story of a friendship shattered by a deceptive love that doesn't care who it hurts. Even if it's wrong, it can't be stopped, as if this wrongdoing seems so right to them. How can a mistake feel something that right all along? They have th...