"Cc, napuwing ako.." Mahinhin na pagkakasabi ni Dahlia at lumapit kay Chas na busy sa pagluluto.They are currently cooking sisig for their major subject. Chas just finished cutting the ingredient, and they were all tense since their professors were inspecting their cutting skill.
"Dito ka, hipan ko." Sagot lang ni Chas.
He held Dahlia under the eye and blew on it.
Kumurap-kurap si Dahlia at nawala na ang pagkakapuwing niya ngunit para namang umiinit ang mga mata niya.
"Oh my god Carlos! 'Di ba naghiwa ka ng sili?!!" Inis na sabi ni Grace at agad-agad kumuha ng wet wipes at pinunasan ang mata ni Dahlia.
"Putcha, sorry Madam! Nakalimutan ko!" Natatarantang sagot ni Chas sabay hugas ng kamay.
"Aray ko...." Naluluhang hikbi ni Dahlia.
Tahimik nga si Dahlia ngayon at payapa, hindi siya nang-gugulo tapos ito pa pala ang mapapala n'ya. Gusto na nga niyang maging mahinhin.
"Sorry talaga... Nakalimutan ko eh.." Nagi-guilty na sabi ni Chas. Ulit-ulit siyang nagsorry dahil hindi naman talaga niya sinasadya.
Two hours have passed and they are already eating.
They are eating the sisig they previously prepared. Dahlia chuckles sometimes when eating and doesn't make a lot of noise. Chas and Grace are chatting; they don't want to ask Dahlia anymore because her mouth will never stops talking kapag pinansin siya.
Hindi na rin nakatiis si Chas. Hindi ngingiti-ngiti ng ganito si Dahlia ng walang dahilan.
"Hoy, napapano ka?"
"Secret." Dahlia bit her lower lip and smiled.
"Hayaan mo na s'ya." Suway ni Grace kay Chas.
Napailing iling na lang si Chas.
Nakakapagduda. May pinagkakaabalahan na naman 'to na sa huli iiyakan din n'ya.
"Sabihin ko na nga!!" Excited na sabi ni Dahlia. "Binilan ako ni Papa motor! kaso ayaw naman nya ipagamit sa'kin pagpasok sa school." Sabay simangot niya.
Dahlia can ride a motorcycle since Chas taught her. Perhaps her father doesn't trust her enough to let her make trips alone.
"Sanay ka naman mag-motor 'diba?" Tanong ni Grace at tumango naman si Dahlia. "Bakit naman ayaw kang payagan?"
"Hay nako, kapag pinayagan 'yan baka bilang na lang araw na makikita mong humihinga 'yan." Sabat ni Chas.
Ang oa talaga nito, panira lagi ng mood! Epal epal!
"Alam mo, manahimik ka na lang, masyado kang panira." Umiirap na sabi ni Dahlia.
They are vacant for 3 hours now. Chas asked to wander around the nearby mall but Dahlia didn't go, so only Chas and Grace left. Dahlia was left behind and went to the canteen to buy turon. Halos parang kabarkada na nga niya ang tindera ng turon dahil doon siya madalas tumambay kapag mag isa lamang siya.
"Mare isang turon." Pabirong sabi nito sa tindera.
Nakitambay na naman si Dahlia at nakicharge pa ng cellphone sa tindahan habang kumakain ng turon.
To: Carlos Chas Tolentino.
Cc, bili mo'ko milktea d'yan! bayaran ko mamaya!
Pagka-send niya ng chat ay nagreply agad ito. Picture lang ang sinend nito. Picture ni Chas at Grace na kumakain sa samgyupsal.
YOU ARE READING
Red Dahlia
RomanceThis is a story of a friendship shattered by a deceptive love that doesn't care who it hurts. Even if it's wrong, it can't be stopped, as if this wrongdoing seems so right to them. How can a mistake feel something that right all along? They have th...