Chapter 1

102 3 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

____________________________________________

Co's POV

"Ang lalim yata niyang iniisip mo bunso." si kuya na bigla na lang lumitaw.

"Hindi pa naman nakakalunod." biro ko.

"Si mama ba?" nayuko ako. "Nagalit na naman ba siya?" tumango ako at inakbayan ako ni kuya. "Kakausapin ko siya." agad ko iniangat ang ulo ko para harapin siya. "Huwag kuya, baka mas lalo lang siya magagalit sa akin."

Lagi na lang ako napapaisip kung bakit lagi na lang galit sa akin si mama.

"Bigyan na lang kita ng allowance. Bilhin mo ang gusto mong bilhin, o kaya bakasyon kayo nina Gayle."

"Ayaw nga non umaalis sa bahay." sabay nguso ko.

"Libre mo na lang sila. Manood na lang kayo."

"Uhm. Salamat."

"Huwag na magtampo kay mama. Mahal ka non."

"Uhm."

"Ma, aalis na po ako." paalam ni kuya kay mama.

"Mag iingat ka, anak. Uwi ka agad ah." ang lambing niya kay kuya. "Si mama, hindi pa nga ako nakakaalis, miss mo na agad ako."

"Syempre, baby kita." hindi ko alam kung napapangiti ako sa tuwa o sa inggit.

Sana ganyan ka rin sa akin, ma.

"Si Nicole na po ang baby sa bahay, malaki na po ako, ma." napapakamot na lang sa ulo si kuya.

"Ah basta, ikaw lang ang baby ko." sumulyap sa akin si kuya.

Sakit haha.

"Pasensya ka na, bunso. Huwag mo na lang isipin yung sinabi ni mama, ikaw lang ang baby namin, okay?" pinilit kong ngumiti.

Nang nakaalis na si kuya ay pumunta ako sa kwarto ko upang kunin ang bag ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si mama na nakaupo sa may living area.

"Ma, una na po ako." paalam ko.

"Uhm." sagot niya habang nakatingin sa newspaper na hawak niya.

Nagbabakasali rin ako na baka lambingin niya rin ako gaya ng ginawa niya kay kuya kanina.

Inangat niya ang tingin niya sa akin at napangiti naman ako. "Ano pang ginagawa mo? Akala ko ba aalis ka na?" nawala bigla ang ngiti ko.

Inayos ko ang mukha ko bago ako pumasok sa bahay nina Gayle.

Buti at nag aya sila mag beach, kahit papano ay makakapag relax ang isip ko.

Habang kumakain kami sa harap ng convenience store ay nag message si mama.

"Nicole, bakit hindi mo pa dinala lahat ng gamit mo? Tutal hindi ka na rin lang naman dito umuuwi." ang sakit naman.

"Umuuwi pa rin naman po ako, ma."

"Umuuwi ka kapag nandito daddy mo. Sabagay natutuwa ka na laging wala sa bahay ang daddy mo dahil nagagawa mo lahat ng gusto mo." ganon ba talaga ang tingin niya sa akin?

Nawalan ako ng gana.

Akala ko makakapagrelax ako kapag nandito na ako, pero hindi pala.

Heartbeat Love (Walo Series #4)Where stories live. Discover now