Chapter 2

29 3 0
                                    

"Uy." heto na naman siya.

"Oh?"

"Bakit ba ang sungit sungit mo?" sabay nguso niya.

"Hindi ako nagsusungit."

"Bakit ganyan mo ako kausapin?"

"Paano ba dapat?"

"Yung maayos."

"Maayos naman ah."

"Maayos ba 'yan?"

"Ewan ko sayo." sabay inom ko sa natitirang alak.

Magkakaaminan na kaya ang dalawa? (Gayle and Shiela)

Si kulit ang nabunot ni Niks.

"Minsan ka na bang nagmahal?" sa dinami rami ng mga pwedeng itanong, bakit 'yan pa?

"No." sagot agad ni Niks.

Nakita ko naman ang pag iwas agad ng tingin ni kulit kay Niks.

"May nagugustuhan ka na ba?" tanong ni kulit nang siya ang mabunot ni Jo.

Bakit ba ganyan magtanong 'to?

Napansin ko ang pagsulyap ni Jo sa akin.

Mah-headlock sa akin 'tong si kulit.

"Oo." napatingin na lang ako sa kisame.

"OMG! Sino?" si kulit at napatingin ako sa kanila.

"Teh, isa lang ang itatanong."

"Pero gusto ko malaman." gusto ko talaga itape ang bibig neto.

"Secret na 'yon."

Marami na nainom sina Jo at Niks.

Hay nako.

Tumayo na rin ako para alalayan sila.

Bigla naman lumapit si kulit sa akin. "Hi." nakangiting bati niya.

Napatingin na lang ako kay Jo nang marinig kong magsuka ito.

Heto na nga ba ang sinasabi ko.

Nagsuka siya kay Princess.

Parang mahihimatay si Cess sa ginawa ni Jo kaya agad ko na rin siya inilipat sa villa.

Nakatulog na rin si Niks.

Kumuha ako ng maliit na towel at maligamgam na tubig na nakalagay sa maliit na palanggana.

Teka, nasaan nga pala sina Gayle at Shie? Bakit wala sila rito?

Pagkahilamos ko sa dalawa ay kumuha ako ng damit para makaligo.

Narinig ko ang pagbukas sa pinto. Sinulyapan ko at si Gayle.

"Lumabas kayo?" tanong ko habang sa mga damit ako nakatingin.

"Uhm." lamig naman non.

Napalingon ako sa kanya pero dumiretso siya sa banyo.

Anong nangyari 'don?

Kumatok ako sa pinto ng banyo dahil ang tagal niyang lumabas. "Gayle, okay ka lang?" alalang tanong ko.

"Oo, nagbabawas lang ako." aniya.

"Okay. Uhm, coffee, gusto mo?"

"Nag coffee na ako sa labas."

"Okay. Bili lang ako saglit sa labas ah." paalam ko.

"Uhm. Ingat ka." aniya at lumabas na ako.

Pagkabalik ko sa villa ay nadatnan kong natutulog na si Gayle.

Heartbeat Love (Walo Series #4)Where stories live. Discover now