Chapter 3

56 3 0
                                    

Lei's POV

"Kailan kayo uuwi rito?" si mama habang kausap ko sa phone.

"Hindi ko pa po alam, ma. Pero kapag free na po si ate ay dadalaw kami riyan"

Sa probinsya talaga kami pero dito na nagt-trabaho si ate at kinuha niya ako para daw may makasama siya.

"Osige. Miss na raw kayo ni kambal mo."

"Nako, may kailangan 'yan kaya nagiging sweet." biro ko.

"Wala no. Namiss lang kita awayin." biglang singit ni kambal.

"Ay sus. Nagdahilan ka pa."

Pagkatapos namin mag usap ni mama ay nagluto na ako ng dinner dahil uuwi na si ate galing trabaho.

"Nakauwi na ako." napalingon ako sa likuran ko. "Hi, ate." nakangiting bati ko. "Sarap niyan ah. Anong niluluto mo?" sabay lapit niya sa akin. "Menudo." nakangiting sagot ko. "Bihis lang ako saglit. Nakakatakam yung amoy." napangiti naman ako.

Bukas na pala yung pagpunta namin sa Walo Land.

Habang kumakain kami ay nagpaalam na ako kay ate. "Ate, isang linggo nga pala ako wala rito sa bahay." napalingon siya sa akin. "Bakit?"

"Bakasyon kami sa Walo Land nina Maya."

"Kailan?"

"Bukas na."

"May pera ka pa?"

"Sakto lang, pero okay na 'yon kaya huwag mo na akong bibigyan hehe."

"Wala naman akong sinabing bibigyan kita."

"Si ate talaga, nagpapakipot lang ako eh." natawa naman siya. "Abot ko na lang mamaya." nangiti ako. "Thank you, ate. The best ate ka talaga." napailing siya habang natatawa. "Bolera ka."

Pagkatapos ko maghugas ng mga pinagkainan namin ay inabot ni ate ang kwarta.

"Sa enrollment mo sasamahan kita."

"Hala, bakit? Kaya ko naman na."

"'Yun ang abilin ni mama."

"Si mama talaga."

Pagkapasok ko sa kwarto ay inilagay ko na sa maleta ang mga dadalhin ko.

Habang may hinahanap ako sa kabinet ay may nakita akong maliit na kahon. Kinuha ko at binuksan. Nakita ko ang isang tuyot na maliit na bulaklak. Bigla ko siya naalala nang bigyan niya ako ng bulaklak nung mga bata pa kami.

Kumusta na kaya siya?

Nawala ang ngiti ko nang makita ang picture namin ng first love ko.

Ghoster.

Pinunit ko na 'yon at tinapon sa basurahan.

Hindi na dapat kinikeep ang ganon.

Hinatid na ako ni ate sa bahay nina Maya. "Ingat kayo ah." siya. "Uhm. Thank you, ate. Ingat ka ah. Kumain sa tamang oras, huwag puro trabaho." paalala ko. "Oo na." nakaalis na siya at pumasok na ako sa loob.

So exciting!

Grabe ang daming tao rito beach.

Tinatamad pa akong lumabas pero iniwan nila ako huhu. Sumunod naman agad ako sa kanila.

Habang pinapanood namin ang sunset ay may nakaagaw sa atensyon ko.

Isang babae na nakasquat at pinapatahan ang isang batang lalaki.

Cute.

Kaso hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharang ang buhok niya sa mukha niya.

"Lei, tara na." napalingon ako kay Maya. "Saan?" tanong ko. "Pasyal muna tayo." aniya at binalik ko ang tingin ko sa babae pero wala na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartbeat Love (Walo Series #4)Where stories live. Discover now