Chapter 4

2 0 0
                                    

A week has passed, paulit-ulit lang 'yung routine. Matagal na rin siyang nasanay sa ganoong set-up, it became her comfort zone.

“Tara sa gymnasium! Andon na mga taga ibang University. Andaming pogi.” umaangos at halos patili na pag-aaya sa kanila ni Dwayne.

Nag-ayos sila at agad na nagpunta roon. Totoo nganga maraming mga nagpunta, mga iba't-ibang unibersidad.

“Kilala 'yan sa Verdant Height University. An elite casanova.” turo ni Lyca sa isang matangkad at morenong lalaki. Maganda rin ang katawan nito na animo'y alaga sa Gym.

“Kaya nga usap-usapan na marami daw naghahabol d'yan kasi pagkatapos magalaw ay iniiwan na lamang. She's into nerds pa nga raw kasi feeling n'ya mas safe 'yon. Iba din ang trip ng lalaking 'yan.” pag-agree naman ng isa pa nilang kaibigan na pinagtawanan naman nila.

Nilibot niya ang paningin sa buong gymnasium, malaki at malawak ito.

“Ilang araw daw gaganapin 'to?” tanong niya.

“Well, sa dami ba namang inimbitahan siguro ay isang linggo din 'to. Petiks nalang kasi malapit naman na mag-bakasyon.” sagot naman ni Dwayne.

“Look, Jude over there! Who's that guy with him?” patili habang tumuturong sabi ni Angela.

Halos mabungkal ako sa kinakaupuan ko pagkatapos ko makita ang lalaking kasama nito.

FUCK!

Namawis ako ng malamig kahit na may aircon naman ang gymnasium.

“Tara, puntahan natin! Pogi ng kasama niya, ulala.” aya ni Dwayne sa mga ito.

“Oy, g! Mukhang yummy, huhu. Papalakad ako kay Jude.” agad naman na sagot ni Lyca na kinikilig pa.

“He look familiar, though. Parang I've seen him somewhere before... but, nevermind!” sabi ni Dwayne na ikinagulat naman n'ya.

Nakita ni Dwayne ang lalaki sa club na kasama niya nung nagpaalam siya!

It was the guy from the club!

The guy whom he had a one-night stand!

“Yo, what's wrong with you? Are you alright? Namamawis ka, malamig naman.” nag-aalalang tanong ni Angela sa kanya.

“Y-yes, I'm alright. Maybe I just need to drink water, bibili muna ako sa cafeteria. I'll be right back.” pagpapaalam nito. Hindi naman siya nagsisinungaling kasi nauuhaw na rin talaga siya.

Pagkarating niya ng cafeteria ay maraming kumakain dito na mga taga-ibang University.

Pagkatapos bumili ng tubig ay umupo muna siya sa bench sa tapat ng cafeteria kung saan makikita ang soccer field.

Buti na lamang ay medyo makulimlim at hindi masakit sa balat ang init.

Napaigtad siya ng may umupo sa tabi niya.

“I saw you inside the gymnasium. Lalapit na sana ako but Jude called me. Nakita niyang kanina pa ako nakatingin sa'yo.”

Gulat akong nakatingin sa kanya. Bakit pa siya lumapit? Damn.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Inalisan mo ako after I gave you pleasure, huh. You're a user!” parang inaapi at nang-aasar na sabi nito.

“Would you just please shut up? Baka may makarinig sa'yo.” nagbabanta na sabi ko.

“Hahaha! You're red as a tomato. Chill, I was just kidding.” pagsuko at tumatawang sagot nito.

“Kaano-ano mo si Jude?” tanong ko.

“He's my classmate and best friend in grade school. We just part ways nung lumipat kami sa abroad.” sagot naman nito.

“Isabella Sinclair, you got a name as pretty as you, huh.” bulong nito.

Paano niya nalaman ang pangalan ko, wala naman akong naaalala na nagpakilala kami sa isa't-isa.

“Did Jude told you my name?” tanong ko rito.

“Yes, he did. Tinanong ko kung anong pangalan mo and he said na girlfriend ka niya but I clearly didn't believed in him.” sigurado at nakangiting sagot naman nito.

Nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay at nagpasya kami na i-add ang isa't-isa sa kanya-kanyang Facebook account.

Hindi naman siguro masama 'to. Usap-usap nalang. Wala naman sa'kin kung anong magiging kahahantungan nito.

Mayamaya pa ay nagpaalam na rin ako na bumalik sa gymnasium at panigurado ay inaantay na ako ng mga kaibigan ko.

Pagkapasok ko ay nagsisimula na rin ang laro. Agad ko naman silang nahanap dahil hindi naman sila lumipat ng pwesto.

Pagkaupo ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng mapang-asar na ngiti at tingin ng mga kaibigan ko.

“Ikaw ha, 'di mo naman sinabi saamin na si Pogi pala 'yung nakasama mo sa bar.” pang-aasar pa ni Dwayne na may pagtusok pa sa tagiliran ko.

Napaigtad naman ako at agad na sinuway siya.

Well, fate brought us to meet each other again.

“Nagkataon pa talaga, ha. Malay mo 'yan na yung sign ni Lord sa'yo. HAHAHAHA!” panggagatong pa ni Angela.

Maingay ang naging asaran at para akong ginisa kakatanong nila kung anong balak ko.

Mabilis na lumipas ang oras.

Nang makauwi ako saamin ay nagpahinga na muna ako.

Ipinikit ko ang mga mata, mahaba-haba rin ang naging araw ko ngayon.

Maya-maya pa ay nagpasya akong maligo na.

Pagkatapos ko maligo ay nagbukas na akong ng Facebook.

“Tristan Sterling.” bulong ko.

Agad akong nang-stalk... mas okay na 'yon para naman malaman ko ang background.

“Pogi nga.” mahinang usal ko habang nag-scroll. Tinamad na rin ako hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulugan ko na.

Alas 9 ng gabi ay nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko.

Tinatawagan na ako para kumain.

Andito sila Daddy, agad akong naghanda para bumaba.

Hindi naman kasi talaga ako pinapababa kapag wala sila, kumakain ako kung kailan ko gusto.

As usual, natapos kaming kumain na parang may kanya-kanyang mundo.

Agad akong umakyat sa kwarto ko, nakita ko na nag-message si Tristan.

“Kumusta? Nakauwi ka na pala kanina, ingat ka d'yan.” aniya.

Hindi ko na pinansin.

Nagsagot nalang ako ng mga dapat kong sagutan.

Boring nanaman at parang 'di ko nanaman alam ang gagawin ko.

Nagpalipas nalang ako ng oras manood at magbasa-basa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naghanda agad ako papasok ng school kasi may gagawin daw kaming activity ngayon.

Pagkatapos ko maghanda ay agad na akong nagpahatid papunta sa school.

Maaga pa naman kaya ay tumambay na muna ako sa cafeteria. Nagulat ako ng makita ko roon si Tristan kasama ang kaibigan nito.

Open pa rin kasi ang school para sa outsiders since may activity pa sa gymnasium.

Nagkibit-balikat nalang ako at agad na nagpunta ng room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shattered Souls, Mended Hearts: A Tale of Redemption in LoveWhere stories live. Discover now