Chapter 8

10 3 0
                                    

Pagkatapos ng napaka-maanghang na palitan ng sagot namin, ngayon ay narito ako sa living room ng mansyon.

Wala man lang akong maruming nakikita, ngunit nililinis ko pa rin ito baka abutan pa ako ng dragon na lalaking iyon na walang ginagawa, baka mapagalitan pa tayo.

Aghrhbrsbbb—oh, wag kayong ano, tunog lang 'yun ng tiyan ko, nagugutom na ako, nakalimutan ko pala mag-almusal, pasado alas onse na pala at dahil nga kanina pa ako tulala at iniisip ang nangyari kanina.

Tama ba 'yung ginawa ko? Paano kung patayin ako noon, hindi ko pa naman siya kilala.

Hay nako Snow, padalos ka kasi ng padalos, baka nga isa 'yung sindikato at nagtatago dito sa gubat, ay napakagwapong sindikato naman kung ganun.

Wala ba siyang asawa o anak? Siya lang kaya ang nakatira dito o meron pa kaso hindi lumalabas? Hay, daming katanungan sa isip ko.

Katingkati na 'yung dila ko magtanong pero hindi naman kami close.

"Ahaaaa! Makikig-close ako sa kanya para sa ganon maaga akong makakaalis dito. Talino mo talaga, Snow. Kumusta na kaya sila Kyle, napapakain kaya ni mama ng mabuti? Sana hindi pinabayaan, miss ko na yung kapatid ko, hay."bat ganun matalino naman ako pero pinanganak ata akong di swerte.

"Ang malas mo talaga sa buhay, Snow..." ani ko habang tumitihaya na sa sofa dahil sa pagod.

"What are you doing, woman." Napabalikwas ako agad ng bangon nang marinig ko 'yung dragon.

"Ahmm, nakahiga po, naghihintay kung may darating na pera, hehe."

"Tsk, stupid."

"There is food on the table. Eat and don't think that I am concerned about you because I am your master. You might die of hunger and I would feel guilty," the dragon or Hagorn said seriously.

"Ah, salamat... at may puso ka pa pala," napa-"tssk" naman ito.

Naglakad na ako at huminto malapit sa kanya, na pataas naman ito ng kilay at nagtataka kung bakit ako huminto.

"Why are you still here?"

"Pwede po ba akong magtanong?"

"What?"

"Ano po pangalan ninyo?" kuryusong tanong ko.

"Why is my name important for you to know, tsk."

"Opo, paano po kung tatawagin o may emergency, ano po isisigaw ko?"

"Just call me Harrox."

"Ah, hagorn..."

"It's HARROX, woman," sinamaan niya ako ng tingin.

"Ah, Harrox pala. Akala ko kasi Hagorn, hehe..."

"Who the hell is Hagorn?!"

"Ano, hindi mo kilala si Hagorn? Saan ka ba pinanganak at hindi mo kilala si Hagorn, ay nako nako," paanong hindi niya kilala si Hagorn, may TV naman siya, di ba siya nanonood ng mga teleserye, baka nga, Snow.

"Pwede ba kitang tawaging Hagorn? Pretty please..." ani ko habang nag-byutipul eyes.

"Whatever, clean my room after you're done eating your lunch," sabi ng lalaki sa napakalamig na boses. Ang kanyang mga salita ay umiikot sa hangin, isang utos na may kasamang hindi nasasabing banta.

Ang bigat ng kanyang hiling ay nanatili sa atmospera, nagdagdag sa lubos na maramdaman na tensyon sa pagitan namin. At agad naman itong tumalikod pagkatapos sabihin sa akin. sinimilan na niyang humakbang habang Ang mga kamay niya ay nakasoksok sa bulsa ng pantalon niya.

Im tired chasing you DamienWhere stories live. Discover now