Chapter Two

20.2K 595 14
                                    

"One month?" Ulit ni Trace sa sinabi ng Mama nya. Kausap nya sa telepono ang Ina .Nakaupo sya sa koral habang hinuhubad ang suot nyang bota. Tinanggal nya isa isa ang amorseko na kumapit sa lumang levis jeans nya.

Nasa Maynila ang mga magulang nya para dumalo golden anniversary ng kasal nina Tito Travis at Tita Andi de Marco. Nag iisang kapatid ng Papa nya si Travis.

"Hindi ko magawang tumanggi sa Ninong Alejandro mo, Trace. Isang buwan lang naman ang ipinapakiusap nya sa atin."

Bumuntong hininga si Trace. Hindi nya sana gusto ng dagdag na sakit sa ulo. Well, Joy spells trouble kung pagbabasehan ang ilang mga bagay na nalalaman nya tungkol dito. Napanood nya ito minsan sa news, maging ang kuha ng CCTV kung paano nito dalawang beses na sinuntok sa mukha ang isang babaeng nakaaway nito sa isang bar sa Makati. Para sa isang tagapagmana ng pinakamalaking Television company sa bansa, Joy was a total disaster.

Malabo ang kuha ng CCTV. Pero tumaas ang kilay nya nang mag flash sa tv screen ang stolen shot ng nag iisang tagapagmana ng mga Banderas. Maiksi ang buhok na nakukulayan ng kulay pula. May side bangs na halos tumakip na sa kaliwang mata nito. Matangos at maliit na ilong, bilugan ang mga mata at manipis na mga labi na palaging nang iinis.

Nakasuot ito ng kulay itim na dress sa litratong yun. Lambas tuhod ang haba at humahakab sa makurba nitong katawan. Mukha itong modelo sa isang mamahaling magazine kung hindi lang pares ng kulay pulang rubber shoes ang piniling isapin sa paa.

At pagkatapos mapabalitang boyfriend ito ng isang drug user na si Stephano Madriaga, isang ex Tv actor ay sa Calatrava na ito maghahasik ng lagim. Umangat ang isang gilid ng bibig ni Trace. Damn rich girls.

"Give her a job, Trace. Iyon ang isa sa mga bilin ni Tito Alejandro. Gusto nyang ihanda si Joy para pumalit kay Jaime."

Dalawa lang ang anak ni Atty Alejandro kay Julia Banderas na ilang taon ng patay. Ang panganay na si Delfin Banderas ay matagal ng namayapa dahil sa sakit na lung cancer. Ang dalawang anak nito ay parehong nasa Amerika na at pawang walang hilig sa negosyo.

Si Jaime na lang ang pwede nitong pagpasahan ng legacy nito. Pero hindi na bumabata si Jaime. Tanging ang anak lang nitong si Christine Joy ang pwede nitong ipalit sa sarili.

"Umaasa ang Ninong mo na kahit papaano ay may magandang idudulot ang pagtira ni Joy sa atin. Train her bilang sekretarya, ikaw ang bahala."

Sekretarya? Joy wouldn't fit as his secretary. May trabaho syang naiisip para sa babae.

"Malayo pa ba tayo?"pigil ang inis na tanong nya kay Mang Henry, ang driver ng mga De Marco na sumundo sa kanya sa Silay Airport kanina. Sobra apat na oras na silang bumabyahe sakay ng pick up na iyon. Masakit na ang likod at pwet nya sa matagal na pagkakaupo. Sinulyapan nya ang oras sa suot nyang relo. Pasado alas dyes na ng gabi ang nakasaad doon.

"Malapit na ho, Maam."

Pabuntong hiningang pinagkrus ni Nowan ang mga braso sa dibdib. Hindi nya na mabilang kung ilang beses na syang nagtanong sa matandang lalake. Iisa lang ang sagot nito sa kanya. 'Malapit na ho, Maam.' At gusto ng kumawala ng inis nya.

Kung bakit ba kasi hindi nya nagawang itanong kay Alejandro kanina ang tungkol sa Calatrava. Nabanggit nito sa kanya kahapon ang tungkol sa isang rancho. Yon lang ang alam nya. Batid nyang panay maisan at palayan ang nasa magkabilang bahagi ng daan. Sa tatlong oras na nakalipas ay iyon na ang view sa may kadilimang kalsada kaya in expect nyang malapit na nga sila.

Kung alam nya lang na ganun kahaba ang byahe, tinanggap nya na sana ang alok ng driver kanina na maghapunan muna sila bago bumyahe. Pero walang nag imporma sa kanya, kahit ang driver ay hindi nag abalang sabihin sa kanya.

Taming Ms Disaster's Heart (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon