Uy, Ashyana? Bakit late ka girl? Nagpasign pa ako sa kabilang building pero hindi ako nalate eh ikaw? Saan ka galing? Tanong ni Shyne sa akin. Dahan dahan naman girl sa mga Q&A mo! Hindi ko balak mag M.U noh Sagot ko. Edi magsalita ka na gurl! Sagot nito.

Eto kasi, diba naglalakad ako papunta sa classroom, may nakabunggo ako, well, siya nakabunggo sa akin cause he's not looking sa dinadaanan niya, natapon yun kape niya sa akin tapos sinisi pa sa akin! Bulag kasi! Inis na Paliwanag ko. Girl, chill lang, sino ba yan resbakan ko! Sagot naman ni Shyne. Ano, matangkad, Parang chinito pero moreno, maamo ang mukha, tapos parang playboy vibes. Sabi ko. Ash, sure ka bang yun nakabunggo mo yan or ideal man mo! Tawa na sagot ni Shyne. Tumahimik ka nga! Kabwisit siya! Sigaw ko.

Ms. Fiorise and Ms. Mendoza, care to share on what you're doing? Sabi ng prof namin. Patay, yun masungit pa talaga!! Isip ko. Nagkatinginan kami ni Shyne at in one glance alam na namin kung ano irarason namin. Prof, Shyne was just explaining kung ano po yun dinidiscuss nyo cause hindi ko po masyado makita sa likod. Sagot ko. Well, if that's the case, you can come in front, Ms. Fiorise. The prof said and I just smiled awkwardly. Akala ko ba nagets mo yun telepathy natin ano yun?! Tanong ni Shyne. Bakit? Okay na yon DL ka naman ah. Sagot ko.
Gaga ka, ako magtuturo sa iyo ng Gen Math? Eh yan lowest ko sa card ko. Bulong ni Shyne. Ilan ba? Tanong ko naman. 1.75 sagot nito. Gago? Ako nga 2.25 eh! Sagot ko. Huy line of 8 nga yon eh! Sagot naman nito. Grabe ka na girl, natutulog ka pa ba? Tanong ko. Oo, sa klase. Tawa niya.

Natapos na ang klase namin at humiwalay na ako dahil iba iba na kami ng klase. 1 subject lang ang magakasama kami ni Shyne so sad, pero the rest ang kasama ko ay si Cassandra. Which is friends din namin nila Shyne.

Actually may friend group kami. Ako, si Shyne, Cassandra, Blaze, Luke, at  Celestine. Friend group na namin since High school kaso nahiwalay nga lang sina Luke and Celestine dahil UP sila. Kami pa naman yun kinakatakutan dahil pag nagsamasama daw kami, we're "The Unstoppable" pano ba naman, heartthrob si Blaze at Luke tapos SSG president si Shyne. Tapos kami nila Cass at Celestine laging nasa pangalan ng school newspaper, mapa good news or bad man. Hays, I miss the group. Sayang!!!

Kita na lang tayo mamaya girl, sabi ko kay Shyne. Ok girl! Sagot nito. Nagulat na lang ako ng may nakabungguan ulit ako! Hays ano ba world! Kanina pa ako sa bunggo bunggo na iyan! Bad day ko ba? Isip ko. Ang mas malala nahulog pa bag ko. Pinulot ko ang mga gamit na nahulog at Hindi ko na nakita kung sino basta tumakbo na lang ako ng mabilis dahil malalate nanaman ako. Buhay nga naman!

Good afternoon class. Sabi ng prof namin. Good afternoon Prof. Sagot naman naming lahat. Hays!! Bakit kasi need ko mag manage ng business namin dami ko na tuloy aaralin! Sayang ang 20s ko huhu!!! 

Ok class so we will have a project about marketing. It will be done by pair and I will do it RANDOMLY. Sabi ng prof. Dahil sa sinabi nito nakanguso lahat kami. Another project? Tambak nanaman kami.. Ms. Estrella you will be paired to Ms. Valleriane. Ms. Fiorise you will be paired to Mr. Guergo. And ayon sinabi na ni prof. Hindi ko masyadong kilala si Mr. Guergo pero ang alam ko matalino siya. Nice one, Ashyana! Isip ko saka ngumiti. Bakit ka nakangiti Ms. Fiorise? Tanong ni Guergo. By the way, Ashton Gavin Guergo. You can call me Mine or love. He winked at me. Yikes, mukhang playboy! Napatingin naman ako ng masama sakanya. Chill, joke lang iyon, you can call me Gavin just not Ashton. grabe sobrang rich ng name! Hayssss medyo gwapo na rin pero mas gwapo si Mr. Masungit na nakatapon sa akin ng Kape- teka nga, bakit ko siya iniisip! Bura bura!!! Isip ko. Ahm, Ashyana Mae Fiorise, you can call me Ash or yana just not Mae. Okay, Mae. Sabi nito. Whatever, Ashton. Sagot ko.

Uwian na ng mapansin kong nawawala yun wallet ko! Bwisit naman!? Sa dami ng nilakaran ko maaalala ko pa ba?! Inis kong sabi. Nasa meeting si Cass, nasa basketball si Blaze tapos si Shyne nasa baking class! Ano ba naman tooo!!!! Nagsimula akong lumakad ng makarating ako sa STEM strand. Oo, ABM ako kasi heir ako ng company ng parents ko at I'm an only child. TOTGA ko talaga ang pagiging fashion designer hay:( ang company kasi ng parents ko is very luxurious kaya mga bags and shoes, and glasses, bihira sa mga clothes kasi hassle daw. Eh hassle din naman gumawa ng bags at shoes ah! Ays basta! Kapag ako na humawak ng company namin, idadagdag ko mga damit! Isip ko saka ngumiti. 

Habang naglalakad ako, may humarang sa harapan ko kaya tumama ako sa matigas na katawan nito. Aray ang tigas sakit non ah! Sabi ko. Nagulat na lang ako ng makita ko a aking harapan si Mr. Masungit na nakatapon ng kape sa akin at hawak-hawak niya ang wallet ko.
Looking for this miss? Sabi nito sa akin. Paano at bakit hawka mo iyan? Tanong ko. Sa tingin mo, malamang nahulog mo kanina noong natabig mo nanaman ako. Malamig na sagot nito saka hinawakan ang kamay ko. Shet! Ang lambot ng kamay niya, nakakamiss. Huy wag ganyan Ash! Huwag marupok. Hinawakan niya ang kamay ko at nilapag ang wallet sa palad ko. Oh, gusto mo din pala ako kunin? You miss me huh? He smirked at me. Ano? Hindi noh! Never kaya. I sulked. Huwag ka kasi makalat tsk. Sabi nito saka ngumisi.  Hello? Ikaw nga itong nakabunggo sa akin kaya nga nahulog wallet ko! Sagot ko. Buti na lang ako nakakuha ng wallet mo kung hindi, ibang kamay na sana nahawakan mo. Bulong nito pero narinig ko pa din. Problema mo ba? Baka ako na-miss mo? Sabi ko saka tumalikod sakanya. Tsk, bakit ba kasi same school pa kami. No, I should say, bakit sa lahat ng tao, yun Ex ko pa ang nakapulot at nakabunggo ko?! Lord, huwag naman sana back to zero ang move on ko! Isip ko at saka naglakad palabas ng campus.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Healing The Past (Summer Series #2)Where stories live. Discover now