GUSTO

333 38 5
                                    

ngumiti siya at sandali kaming nagkatitigan, akmang tatalikod na sana dahil nawala na talaga ako sa mood ng biglang...... kumulog ng malakas, sa sobrang gulat niya ay napayakap siya sa'kin at halatang takot na takot.

" ahhh lord " - mayor alice

oa naman, kulog lang napa lord agad? joke lang! halata namang takot talaga siya sa kulog dahil mangiyak ngiyak na siya ngayon.

" relax mayor, kulog lang iyon. " saad ko rito

totoo naman kulog lang iyon e, pero hindi ko naman siya masisisi kung natakot siya kasi anlakas talaga kahit ako nagulat hindi ko lang pinahalata kasi nga badtrip ako mga dzaii.

hinihimas ko na lang muna ang likod niya habang nakayakap siya sa'kin para pakalmahin siya.

" ahmm sen. risa, nakakahiya po pero p'wede po ba tabi tayo mag sleep? takot po kasi ako sa kulog e. " - mayor alice

ha? pambihira! dito na nga matutulog gusto pa katabi ako? pero sure why not ehe. joke lang! hindi ako rurupok, nagseselos pa rin ako kahit hindi niya alam.

" ay, hindi kasi ako sanay ng may katabi sa higaan e, nakapalibot kasi mga unan sa'kin kapag natutulog ako para may yakap ako kahit saan ako humarap. - seryosong saad ko rito.

totoo naman e, hindi naman talaga ako sanay ng may katabi dahil mga dzaii, single ako at ngayon lang ako nagpatulog dito sa bahay ko.

" ah ganun po ba, sigi po. pasensya na po. " saad nito at tumalikod na para pumasok sa kabilang kwarto.

alice pov

so pa'no na ako nito? wala si teddy wala akong mahhug lalo na kapag kumulog. kahit natatakot ako ay tinapangan ko na na matulog mag isa dito sa kabilang kwarto.

sanay naman ako matulog mag isa, dahil wala rin naman akong kasama sa bahay kaming dalawa lang ni ate gi, pero magkaiba pa kami kwarto, yung teddy bear ko lang talaga na malaki ang katabi at niyayakap ko palagi.

habang nakahiga ako ay bigla kong naalala na may meeting nga pala kami bukas sa municipal hall kaya kailangan ko rin umalis ng maaga. buti na lang pagod at puyat din ako kaya nakatulog din ako agad.

risa's pov

1:AM na pero hindi pa rin ako makatulog ikot lang ako ng ikot dito sa higaan ko, iniisip ko si alice, tulog na kaya siya? what if silipin ko? pero hindi ayaw ko baka kung ano pang isipin niya if ever na gising pa siya.

kailangan ko ng makatulog dahil maaga ako sa office ko mamaya, may mga kailangan na naman akong asikasuhin para sa susunod na hearing, pero akalain mo iyon yung babaeng ginigisa naman sa senate hearing nandito sa bahay ko natutulog haha.

tumigil na ako sa pag iisip pinilit kong makatulog dahil ayaw kong pumunta sa trabaho ng puyat baka sabuhin na naman nila ' wala ka naman kasintahan, pero napupuyat ka pa? ' ayan kasi yung sinabi ng mga senators nung pumasok akong puyat.

4:30 AM

alice pov

inaantok pa ako pero nag aalarm na yung cellphone, 4:30 kasi talaga ako nag alarm dahil malayo layo rin dito ang bamban. pero sa bahay ko muna ako didiretso para makaligo pa ako dahil wala akong dalang damit.

pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto para makapag paalam na ako kay sen. risa, natatakot pa nga ako na gisingin siya pero nakakahiya naman kung aalis akong walang paalam diba? oo, mag agree kayo!!

2 minutes na akong nakatayo sa labas ng kwarto niya dahil nag iisip pa ako kung kakatok ba ako o papasok na lang ako bigla?

kumatok na lang ako ng dalawang beses pero walang nagbubukas ng pinto kaya napagpasyahan ko na lang na pumasok dahil hindi naman naka lock ang pinto nito.

NO WORDS, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now