FIRST KISS

915 85 20
                                    

alice pov

nakakainis bakit ba pinapabayaan niya ang sarili nya? palagi na lang siyang hindi kumakain, pa'no kapag nagkasakit siya diba? dahil sa inis ko ay nag ayos agad ako nagluto dahil dadalhan ko siya ng pagkain.

dahil wala akong kasama ay tatapangan ko na ang hiya ko. magdadala ako ng damit at doon ako matutulog ng ilang araw, yes ilang araw. dahil wala na rin naman akong trabaho sa munisipyo na ayos kona lahat.

hindi ko na sinabi sa kaniya na pupunta ako sa bahay niya dahil alam kong pipigilan lang ako non. nang matapos akong magluto ay inilagay ko na ito sa tupperware tsaka ako nag gayak ng damit na dadalhin ko.

risa's pov ( short )

grabe naman ang babaeng iyon, hindi na talaga nag reply, bakit ba kasi nagagalit siya na hindi ako kumain? omg! what if gusto din niya ako? ay noo ayaw kong umasa baka naman concern lang yung tao.

dahil hindi naman na nagreply ito ay natulog na lang ako, wala talaga akong gana kumain. oorder na lang if ever na magutom ako, malapit lang naman ang mga resto dito.

alice pov

malapit na ako sa bahay ni risa, hindi ko alam nararamdaman ko naeexcite ako na naiinis dahil hindi siya kumain. bago pa man ako makapasok sa village nila ay dumaan muna ako sa 711 dahil bigla akong nagcrave sa ice cream.

maya maya lang ay nakarating nar rin ako ngayon ay nasa tapat na ako ng bahay niya, nagiisip ng p'wedeng idahilan kung bakit may mga dala akong damit. tsaka ako nag doorbell.

risa's pov

ano ba iyan natutulog yung tao istorbo. wala naman akong bisita ah? wala rin naman akong inoorder, bakit may nagdodoorbell? ay baka yung security, naalala ko gusto nga pala akong kausapin dahil nakaharang daw ang kotse sa labas e nasa garahe kotse ko, ang tinutukoy pala is kotse ni mayor alice.

dali dali akong bumaba dahil sunod sunod ang doorbell nito. teka lang naman, hindi makapag hintay?

nang buksan ko ang gate nagulat ako ng si mayor alice ang nasa labas, hindi ako nakapag salita agad. ilang minuto rin kaming nagtitigan hanggang sa nagsalita na siya.

" hi, hindi mo ba ako papapasukin? " - seryosong tanong nito.

" a-ah, pasok ka. " nauutal kong sabi dito

pagkasabi ko non ay diri-diretso na siyang pumasok sa loob, aba. attitude 'yan? may mga dala din siyang gamit, wala na yata balak umuwi ito.

pagkapasok ko sa loob ay nakita ko siyang inaayos yung pagkaing dala niya. sinigang naman ang dala niyang ulam ngayon.

" b-bakit ka nandito? " - tanong ko dito

ano ba risa umayos ka, bakit nauutal ka?

hindi manlang ako pinansin o sinagot nito, naka focus lang siya sa ginagawa niya. pagkatapos niyang ayusin ang pagkain ay kinuha niya ang dala niyang bag at umakyat.

luh? bahay mo ito mayor? hindi mo ako pinapansin tapos aakyat ka sa taas ng bahay ko? pero nagtataka talaga ako kung bakit walang imik ito, dahil ba sa tinext kong hindi pa ako kumakain? o may ibang dahilan?

hinayaan ko na lang siya at nanood na lang ako ng tv, pero maya maya rin ay bumababa na ito.

" ano wala kang balak kumain? " - seryosong tanong nito sa akin.

napatingin ako dito at nakita kong nakatitig siya sa akin na parang naiinis na ewan. dahil hindi ako sumasagot ay kinuha niya ang remote tsaka pinatay ang tv.

" hinanda ko na pagkain mo, kumain ka na. " - mayor alice

sa puntong ito ay parang galit na talaga siya, kaya kumain na lang ako, bakit ba siya nagagalit? bakit siya nandito? anong drama niya? hay nako mayor, pasalamat ka mahal kita kundi pinaalis na kita dito. ngayon lang may nang ganyan sa'kin.

NO WORDS, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now