005

8 2 0
                                    

Shet, uwian na!”

Isinara ko ang tumbler ko at nagpunas ng pawis. Sa bahay na ako magpapalit kaya nagtuyo ako.

“Lei, may sundo ka?” Si Sheena.

“I don’t know,” tumingin ako sa relo. “5:30 pa lang, e. Mamayang six pa si Daddy, hintayin ko na lang sa shed.”

She offered me a ride pero out of the way ang bahay ko kaya tumanggi ako. Lalayo pa siya, padilim na rin.

“Hindi kita maisasabay, retsam. Sa kabilang bahay ako uuwi, e.”

I nodded. “Ayos lang, Lester. Una ka na.”

Inayos ko ang gamit ko at isinakbit ang backpack at totebag na dala, binitbit ko na lang ang baton ko.

“Hatid na kita,” sulpot ni Fian sa tabi ko.

I gave him a side eye. “No, thanks.”

“Edi ‘wag.” Umasim ang mukha nito at lumagpas sa akin.

Malapit lang ang bahay niya at malayo-layo ang akin. Saka ako, magpapahatid kay Fian? I mean, it's not the first time he offered me a ride, but I will always refuse. Hindi naman sa hindi lagay ang loob ko sa kaniya. Ayaw ko lang, aso’t pusa kami, e.

“Diretso uwi ka na, Fian?”

“Maya pa. 7-eleven muna tayo,”

“Sama ka, Lei? Palamig muna tayo, ‘la ka pa namang sundo.”

I shook my head. Dumiretso ang mga kalalakihan sa katapat na 7-eleven ng school pagkalabas ng gate. Ako naman ay lumihis para pumunta sa malapit na shed at maghintay kay Daddy.

•••

(i) silakboWhere stories live. Discover now