CHAPTER 9

16 2 0
                                    


Culprit

"So anong kailangan ng binibini sa isang negosyanteng intsik na katulad ko" muntik ko ng mabuga ang iniinom na tubig sa sinabi niya. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya na walang emosyong nakatitig sakin.

"Are you going to stare at me all day?" Palihim akong napairap. Mukhang bad mood ata tong intsik na to.

"I need your help" I bluntly said. Napataas naman ang kilay niya.

"Do you need a loan?" Masamang tingin lang ang iginawad ko sa kanya mukha ba akong nalugi sa negosyo. Walang hiya rin to. Nakasimangot kong binigay sa kanya ang BioData ni Rylie.

Kunot noo niya itong sinuri pagkatapos ay bumaling ang tingin sakin.

"I'm not hiring a worker especially if it is an actor" nilagay niya sa mesa ang dokumentong hawak at nagsalin ng tubig.

"Hindi mo naintindihan e" pamamaktol ko. Bahala na siya kung anong isipin niya ang importante matulungan ko at kaibigan ko.

"Hindi mo kasi pinaliwanag. Ano ba yun?" Aniya.

"I need you to gather a evidences to make this man go to hell este jail" seryoso kung sambit.

"At ano naman ang kasalanan niya? Don't tell me galit ka na sa mga pogi ngayon na pati actor pinagiinitan mo? Iba talaga ang broken hearted" komento niya.

"Ano ba Kreisler, itong taong to nirape niya ang step sister niya na kaibigan ko. Kaya you will help me or you will help me" natahimik naman siya sa sinabi ko.

"Tss. Give me the address" aniya. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Tutulungan mo ako?" Paninigurado ko.

"Hindi ba obvious. May kasalanan rin yan sakin e. Binabastos niya ang mga empleyado ko" sambit niya at tumayo. Napakabait niya talagang boss pero walang hiya naman minsan.

"Follow me" Turan nito at agad naman akong sumunod.

Pumasok kami sa isang kulay itim na pinto. Namangha naman ako sa nakita. Isang silid na puno ng ibat ibang gadgets. At naglalakihang screen.

"Address?"

"St. Rita Street. House No. 110" Lumingon ito sakin at maliit na ngumiti.

Agad rin namang bumalik ang atensyon nito sa kanyang computer at nagsimulang magtipa. Ilang minuto ang lumipas ay wala paring lumabas. Mukhang mahihirapan kami nito.

Wala sa sarili akong napatingin sa itsura niya, nakasuot ito ng salamin habang nakaside view. At isa lang ang masasabi ko napakapogi nitong tingnan. Pang high standard ang karisma.

"Staring is rude" mahina niyang sambit. Napaiwas naman ako ng tingin.

"I know I'm more handsome than your ex"dagdag pa niya. Napakayabang din.

Kalahating oras ang lumipas ay patuloy parin siya sa kayang ginawa, hindi parin maalis ang tingin niya sa screen ng computer. I couldn't help but admire his talent. Not only was he great at basketball and business, but he had also mastered hacking. Sana all. Lucky girl ang magiging girlfriend nito.

"Nasaan ang kusina mo?" Saglit itong nagangat ng tingin at tinuro ang fridge niya.

Hindi talaga maipagkaila na anak mayaman siya. May sariling kwarto ang mga gadgets niya. Gaya nalang ng kaharap ko ngayon. At sa labas palang ay masasabi mong napakalaki ng bahay nato. Hindi halatang spoiled. Pero pansin ko parang siya lang ata ang tao dito. Nasaan kaya ang mga magulang niya?

Pagbukas ko sa fridge ay hindi ako makapaniwala sa nakita. Ang tanging laman nito ay bottled water. Himala yatang humihinga pa siya sa lagay nato. Daig pa ang nagfasting.

First Heartbreak Where stories live. Discover now