CHAPTER 1

38 3 1
                                    

Reminiscing the past

First Heartbreak
January 21, 2022

"Hey, mukhang malalim yata ang iniisip mo?" Napalingon ako sa aking tabi.

"Nothing, I'm just thinking about someone" Saad ko kay Calli my long time best friend.

"Hmm, let me guess. Is it Kirby right?" Aniya. Napasimangot naman ako ng bitawan niya ang pangalan ng taong lagi akong binibigyan ng sakit sa ulo.

"Yeah, tumakas na naman daw siya sa detention office" napakamot naman ng batok si Calli ng narinig ang sinabi ko.

Kilala ng lahat si Kirby, isa sa mga heartthrob na sobrang pasaway dito sa St. Clarett School. Minsan hindi ko na alam ang gagawin sa kanya. Kanina lang naabutan ko itong nasa tuktok ng gate.

"Alam mo minsan ang sarap ring tirisin ng boyfriend mo, kung hindi nagcucutting class para gumala, tumatambay naman sa garden para matulog" aniya.

Sabay kaming tumunganga ni Calli sa labas ng guidance office iniisip kong anong pwedeng gawin kay Kirby.

"Xuriella anong ginagawa mo dito hija?" Sabay kaming napalingon ni Calli sa  babaeng dumating.

"Hello po ma'am Vastia good morning po" ningitian lang kami nito at saglit na tumigil saming harap.

"Hinihintay mo ba ang boyfriend mong napakakulit na nasa loob hija?"tango at tipid na ngiti lang ang sinagot ko saming guro.

"O siya mauna na ako may gagawin pa ako sa opisina paki sabi nalang sa anak ko na sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya" Saad nito at umalis.

Napahilamos nalang ako ng mukha.

Jusko! Kirby tatanggalan talaga kita ng tainga.

Sabay kaming napalingon ni Calli nang bumukas ang pintuan sa guidance office.

Iniluwa nun ang lalaking magulo ang buhok na tila bagong gising at pakurapkurap na tumingin sa direksyon namin.

Sinamaan ko siya ng tingin at binalingan si Calli na tulalang nakatingin sa boyfriend ko, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nito habang nakatitig kay Kirby. Siguro ay hindi ito makapaniwala sa nakita.

"Hi girls, what are you doing here? Hi Sweety how's your day?" Aniya at palipat lipat ng tingin samin.

"Alam mo ayos na sana ang araw ko pero nang nalaman ko na gumagawa ka na naman ng kalukuhan ay parang gusto ko ng bunutin ang lahat ng buhok mo" gigil kong angil. Napaatras naman ito at tatakbo na sana ng mahawakan ko ang kanyang kwelyo.

"At tatakas ka! Walang hiya pinasabi pala ng mama mo sumasakit na ang ulo niya sayo. Pati narin ako" mariin kong sambit at hinawakan ang kanyang tainga.

"Ang tigas talaga ng bungo mo Kirby Shan"

"Aray Sweetheart tama na! ang sakit! namumula na yan e! Promise hindi na ako uulit, aray masakit na talaga "

"Hindi uulit? Seryoso ka ba? Ilang beses ko na yang narinig pero paulit-ulit ka parin"

"Eh, pumunta lang naman ako sa mall may binili kasi ako, wala akong kalukuhang ginawa bukod dun"

"Wala akong pakialam kung may iba ka pang ginawa, ang sakin lang pwede mo naman yang ipagpaliban muna, hindi mo ba naisip na may klase ka pa!"

"Hindi pwede ipagpaliban yun. Importante kasi yun"

"Ah ganon, mas importante pa sa pag aaral mo at sakin!"

"Wala kang kinalaman dito, syempre naman importante yun pero mas importante ka" aniya. Napatigil naman ako sa pagpisil sa kanyang tainga.

First Heartbreak Where stories live. Discover now