Two.

5 1 0
                                    

Title: Born to be lovers, forced to be friends.

August 27, 2002 ay sabay na pinanganak ang dalawang sanggol na nag ngangalang Gabrielle Santos at Sebastian Uy. Bukod sa parehas ang kanilang kaarawan, sila ay magkapit-bahay rin. Tila ba tadhana ang may gawa ng lahat. Halos sabay silang lumaki, sila ay naging matalik na magkaibigan. Taon-taon kung ipagdiwang nila nang sabay ang kanilang kaarawan. Si Gabrielle ay isang batang babae na kilala bilang isang mabait, masunuring bata, at mapagmahal na anak. Si Sebastian naman ay kabaligtaran, isa itong pasaway at hindi sumusunod sa inuutos ng kaniyang magulang, kung susunod man ay pagalit pa. Isang araw ay parehas na nasa paaralan ang dalawa.

"Hydrogen, Helium, Lithium, Beryllium, Carbon? Gab, Carbon na ba ang kasunod ng Beryllium sa periodic table?" Seryosong tanong ni Sebastian ngunit tinawanan lang siya ni Gabrielle.

"Mali ka, Seb! Ayan kasi ang sinasabi ko sayo, dapat ay nag-aaral ka at hindi gumagala." Masungit na sagot ni Gabrielle.

"Ano ka ba naman, Gab. Sasagot lang naman kung 'oo' o 'hindi' dami-dami pang sinasabi!" sabi ni Seb sabay umakto na parang bata na inagawan ng candy.

Bago umalis sa upuan si Gabrielle ay sinagot nya ang tanong ng kaibigan "Boron ang kasunod ng Beryllium." Nakita naman nito ang pagbabago ng ekspresyon ni Seb at sabay lapit nito sa kaniya.

"Mahal mo talaga ako, Gab!" pabirong yumakap si Seb kay Gabrielle.

"Bumitaw ka nga, parang bata 'to!" Umalis ito sa pagkakayakap at biglang tumunog ang bell. Uwian na.

"Sasabay ka ba sa akin, Gab?"

"Ah, oo. Kasi hindi ako masusundo ni mama ko nag-away kasi sila ni papa. Baka nga hindi matapos ang pag-aaral ko rito at lumipat kami ng bahay. Kung sakali mang matutuloy 'yon maiiwan kita." Malungkot na sabi ni Gabrielle.

Naglakad-lakad sila habang pinag-uusapan ang problema ng kaibigan. Nakwento nito na tungkol sa pagkatanggal sa trabaho ng kaniyang tatay ang naging sanhi ng pag-aaway ng magulang niya. Bukod pa roon, malaki ang posibilidad na lilipat siya ng school at bahay. Nalungkot ang dalawa sapagkat lumaki sila na katuwang ang isa't isa sa bawat problema na kinakaharap nila at ayaw nilang magkahiwalay lalo na at tutuntong na sila sa ika-anim na pangkat sa susunod na taon.

Kinabukasan, nagkita ang dalawang magkaibigan sa park kung saan mayroon silang sariling tagpuan.

"Buo na ang desisyon nila mama, hindi ko na tatapusin 'yung pag-aaral ko rito, lilipat ako ng school at bahay." malungkot na sabi ni Gabrielle kay Sebastian.

"Narinig ko nga kayo noong isang araw, galit na galit ang nanay mo. Balak ko nga sanang bumisita sa inyo para naman huminto sila kaso pinigilan ako ng nanay ko, away raw pamilya 'yon at hindi dapat makigulo." Sumang-ayon si Gabrielle sa sinabi ni Seb. "...Tapos noong huminto na ang ingay sainyo nakita ko ang tatay mo na lumabas ng bahay niyo, may mga maletang dala."

Nalungkot si Gabrielle sapagkat nasaksihan ng kaibigan ang kaganapan sa kanilang bahay, yumuko ito at umiyak nang tahimik.

"Okay lang 'yan, Gab. Kung aalis man kayo rito lagi pa rin naman tayong mag-uusap diba? Basta h'wag mo kong kakalimutan ha? Ipangako mo sa akin na kahit magkalayo tayo ay hindi mo ko kailanman malilimutan, na magkaibigan pa rin tayo hanggang pagtanda nating dalawa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon