Labing-anim

100 7 5
                                    

<Danerie's POV>


Pagkatapos naming mag-usap ng gabing yun ay hindi na kami humiwalay sa isa't-isa. Minamadali ko na nga sa kaniya ang bahay na pinapagawa ko dahil gusto ko ng bumukod kasama siya.


Pupunta kami ngayon sa puntod ni Wise dahil gusto akong ipakilala ni Vee sa kaniya. Gusto ko ring samahan siya kaya pumayag ako.


"Wise, si Danerie boyfriend ko." - sabi ni Vee at hinawakan ang kamay ko.


"Sorry hindi ko natupad ang promise ko." - naiiyak na dagdag niya kaya niyakap ko siya.


"Tahan na Vee. Wala ka namang kasalanan eh." - pag-aalo ko kay Vee.


"Wag kang mag-alala Wise, ako na ang bahala kay Vee. " -yan ang sinabi ko sa harap ng puntod niya.


Matagal din kaming nanatili sa puntod ni Wise bago umuwi. Hindi ko man alam kung bakit nasa akin ang mga memories niya pero hinding-hindi ko gagawin ang ginawa niya kay Vee.


Ilang linggo na ring hindi nawawala ang pangalan namin ni Vee sa mga balita dahil palagi kaming nakikitang nag da-date. Wala naman akong balak na e deny yun dahil kung akala niyo ako ang maraming fans pwes hindi yun totoo. Mas maraming admirer si Vee kaya ayaw kung inaalis ang paningin ko sa kaniya kapag nasa labas kami. 


Busy siya  pagbisita sa mga site ng hina-handle nilang projects at ako naman ay nasa bootcamp nag pa-practice para sa M3 na gaganapin sa Indonesia.


Kahit na mimiss ko siya at gustong puntahan ay wala akong choice kundi mag practice nalang dahil hindi na ako pinayagan na umalis sa bootcamp. Nakakarami na daw kasi ako. Hays.


Nagkakaroon lang kami ng oras ni Vee na mag chat kapag nag li-live ako o di kaya kapag nagagamit ko ang cellphone ko. At ngayon ko lang na appreciate ang mag live araw-araw dahil makakusap ko siya. Ito kasi ang nakaka-inis na part noon pero kasi required gawin.


Live kami ngayon ng mga kakampi ko sa facebook at youtube. Hinihintay ko rin ang reply ni Vee dahil kaninang umaga pa hindi nag chat sakin yun. 


"Hi guys kamusta kayo." - bati ko sa mga nanonood ng live ko.


"Nakita niyo ba si Vee?" - tanong ko sa kanila habang nagpapa-cute.


"Hanapan ba kami ng jowa?"


"Sana all hinahanap."


"Respect naman sa mga single idol."


"Di ka chinat? Baka may iba na haha"


Natatawa ako sa mga comments nila pero nawala rin ang ngiti ko sa huli kong nabasa. Natapos lang kami ng paglalaro ng hindi pa rin nagreply si Vee kaya medyo napa-overthink na ako.

RoomieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon