Chapter Nine

0 0 0
                                    

Mag-isa na lang siya sa kama nang magising kinabukasan.

Tumingin siya sa relong ipinatong sa bedside table.

Napabalikwas siya ng bangon nang makitang alas-otso na ng umaga.

"Sab?" tawag niya sa kasintahan.

Bumukas ang pinto papuntang terrace. "Hi, Good morning! Gising ka na pala?"

Lumapit ito sa kanya at kinintalan siya ng halik sa labi.

Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito.

"Bakit?" tanong nito nang hindi siya makaimik.

"Nothing, I was just caught off guard you kissed me."

Tumawa ito. "Bakit? Can't I kiss my boyfriend?" anito't umupo sa tabi niya.

"P'wede naman," aniya't ipinulupot ang braso sa baywang nito. "Pero ganito dapat," he said and kissed her full on the mouth.

Natatawang hinampas siya nito sa dibdib nang pakawalan niya.

"How were you overnight? Dire-diretso ang tulog ko, eh. Sorry..."

"Okay lang naman ako. It didn't hurt much. Nagigising lang ako 'pag need ko nang magpalit."

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Kasi po, ilang araw ka nang walang maayos na pahinga dahil sa 'kin. Kaya hinayaan na lang kita."

"Okay lang naman ako."

"But we're on vacation, remember? Gusto rin kitang makapagpahinga..."

"I'm just here to look after you."

"Pero gusto ko, pareho tayong mag-enjoy," she said with a smiling face.

She looks happier today so he decided to go with the flow.

"Okay po, Ma'am. Nag-breakfast ka na ba?"

Umiling ito. "I'm waiting for you."

"Okay, banyo lang ako, tapos, kain na tayo," aniya't hinalikan ang kasintahan sa noo at bumaba na ng kama. "Wait for me here," aniya bago pumasok sa pinto ng banyo.

Nakangiting tumango ang babae.

Nagsepilyo siya't naghilamos.

Pagkalabas niya ay sinalubong siya ng aroma ng kape.

Nakita niya si Sabrina na inilalapag ang hawak nitong tray sa bedside table.

"Sab, you should've let me do that," aniya't agad na lumapit dito.

"I want to," nakangiting sabi nito sa kanya. "Doon tayo sa terrace?"

"S-sige," aniya't siya na ang nagbitbit ng tray. "Bakit ang aga mo palang gumising?" tanong niya habang palabas ng pinto.

"Na-excite kasi ako ro'n sa sinabi mo kagabing makikita ko ang Taal dito, eh," she answered gleefully.

Masayang-masaya ang boses nito.

"Baka naman hindi ka na nakatulog nang maayos sa sobrang excitement?" aniya habang inilalapag ang tray sa mesa. Napatingin siya kay Sabrina. "I didn't put any table and chairs here."

She giggled. "I asked Kale to bring up some. Gusto ko kasing dito tayo mag-breakfast, eh..."

"Kaya naman pala..."

"Ako na r'yan," sabi nito't inagaw ang lagayan ng kape mula sa kanya at pinaupo siya.

"No, you sit down," aniya't tumayo at kinuha rito ang kape. "Matagal mo na akong inaasikaso. Ikaw naman this time."

Kadete Serye Book 2: The Fallen CombatantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon