date written: june 15, 2024
═════⊹⊱≼ ❝ 𝐌𝐎𝐓𝐇 𝐓𝐎 𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐌𝐄 ❞ ≽⊰⊹═════
-ˋˏ✄┈┈┈ ANG random ng araw na ito dahil bigla na lang nag-aya ang mga kaibigan ko na mag-club kami. Mabait akong nilalang kaya hindi ako nagpupunta sa club, pero pumayag akong sumama sa kanila dahil masisira na yata ang ulo ko dahil wala akong ibang maisip na gawin sa apartment. Palalabas naman din ako ng bahay, kaya lang ay wala ako sa wisyo nitong mga nakakaraan para lumabas dahil tinatamad ako.
Sa mga oras na ito ay kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa club na sinasabi ni Euphy. Siya ang pasimuno sa lakad kaya natural lang na siya ang magdrive para sa amin. Aburido sa trabaho niya 'yan kaya gustong magwalwal. Sapilitan ba namang ipahandle sa kanya ang business nila, hindi nga ma-stress 'yan.
"Girl naman kasi, bakit mo tinanggap 'yong pagiging boss? Halos kakagraduate lang natin ng college." Tanong nitong si Iyana sa driver namin. Siya kasi ang passenger princess ni Euphy ngayon.
"Binigyan ako ng choice sa totoo lang. I'll handle my family's business or I'll marry a stranger. Syempre pinili ko 'yong business." Sagot niya sa tanong ni Iyana
"Rich kid problems." Pagsingit naman nitong si habang nakahalumbabang nakatingin sa bintana. "Kung alam niyo lang kasi kung anong klaseng business 'yon." Mahinang ano Euphy, kaya naman nagkatinginan kami ni Iyana sa rear view mirror.
"Ano nga ba kasing business 'yon? Ngayon mo nga lang din pala nabanggit ang pamilya mo." This time ay ako naman na ang nagtanong. Minsan lang ako mang-usisa kaya baka sakaling masagot ang tanong ko, hindi ba? Malihim kasi itong si Euphy.
"Stay curious. 'Wag niyo na lang alamin at mas lalong mabubwisit 'yan." Sabi ni Meeri. Ah, mag pinsan nga pala ang dalawang ito kaya kilala nila ang isa't-isa. Hindi na kami kumibo pa ni Iyana hanggang sa makarating sa club.
"Mauna na kayo. Mag park lang ako." Walang kagana-ganang wika niya saka kami ibinaba sa entrance ng club.
Hindi gaanong maingay sa loob ng club pagpasok namin. Tahimik pa ito kumpara sa kung ano ang naiisip ko. First time kong pumunta sa ganito at masasabi kong hindi naman pala masama kung tutuusin. Hindi ko nga lang talaga gusto ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.
Naghanap kami ng pwesto at buti na lang ay umabot kami sa sofa. Last na itong wala pang tao. Nakakatawa pa nga dahil muntik pa sumubsob si Iyana. Nakipag-unahan ba naman do'n sa isang lalaki na nakasalamin at puro hikaw.
"Ang iiksi kasi ng binti, e." Reklamo nung lalaking naka-mask. Nakaupo kasi sila ngayon sa kabilang side ng sofa, pero wala silang table dahil nasa side namin ang table.
YOU ARE READING
my clematis -⚕️ wooin yoo [on-hold]
Fanfic[ not a part of any series. individual book ] give me a chance, wooin. please allow me to fix you.