CHAPTER 1:

6 1 0
                                    

"Lianna 3rd year college na tayo pero wala ka paring Boyfriend?"

"Kailan ka mag boyfriend?"

"Sa tagal na nating magkaibigan, hindi ko manlang napansin na may nanligaw sayo."

Mga araw araw na tanong sa akin ng mga kaibigan ko, minsan yung mga classmate namin nagtatanong nadin kung bakit daw wala akong boyfriend.

Well may nanligaw naman sakin yun lang Hindi sila tumagal. Simula noong pumasok ako dito sa Arcadia wala na akong ibang tanong na narinig kundi about sa pag kakaroon ng boyfriend.

Hindi naman sa akin problema kung may boyfriend ako o wala. Ang sa akin lang naman...ay teka ano nga ba?

Pero may mga bagay pa akong kailangan tapusin bago ang pagpasok sa relationship,saka in the first place sakit lang sa ulo ang magiging impact noon sa akin.

Aanhin ko ang lalake gagawing sakit sa ulo naku huwag nalang. Aaminin ko hindi manlang ako nagkainterest sa mga lalake, dahil siguro sa trauma.

Andito ako ngayun nag lalakad sa hallway pinagtitinginan ng mga lalake at babae dito sa campus, may narinig pa akong nagpabuntong hininga sakin.

"Nakikita mo yung 3rd year student nayun?"

"Oo si Hellianna Devellia Tama?"

"Oo,balita ko may pagkailap yan sa lalake kaya maganda ichallenge yan."

"Asus walang ilap ilap saakin,baka pagnaka tikim tumulad lang yan sa ibang babaeng kilala ko."

"Oh ano g ka?500,000?"

Medyo uminit yung ulo ng marinig sila,kaya naman nilapitan ko sila at sumingit ako sa gitna nila.

"Kayong mga uhugin kayo 500,000 lang ba ang price masyado naman atang mabba ang price ko."

"A-ate hell-"

Kinutusan ko namn kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya, mukhang mga 2nd year ang mga ito base sa uniform nila na may blue straps sa bandang sleeve ng pulo nila.

"Ngayun ate na?ganun ba yun?kung ako sa inyo gumawa nalang kayo ng assignment niyo wala kayong mapapala sakin shuu"

Saad ko at itinaboy sila na agad namang nagtakbuhan. Napangisi nalang ako ng wala sa oras dahil..

"Grabe ganto na ba maging single since birth?"

Wala sa sariling wika ko. Biglang may lalakeng umakbay sakin, familiar ang amoy ng pabango niya kaya hindi na ako nagulat kung sino siya.

"Kasi napakaganda mo kaya para sa lahat impossible na single ka since birth,kahit ako nagtataka din baka may tinatago ka sakin."

Sinikmuraan ko naman siya.

"Alam mo Sean kung Wala kang matinong sasabihin umuwi kana sa inyo."

"Ito naman pikon agad, tara cafeteria libre ko"

"Wala kang klase?"

Tanong ko sa kanya 2:30 na ng hapon, kaya maraming studyante ang nasa labas ngayun.

"Meron pero walang prof kaya tara"

"Naturingan kang Student Council nagcucuting classes kana"tinanggal niya ang pagkakaakbay sa batok ko at pinalitan niya ng pagkakutos sa ulo ko kaya naman napahawak ako.

"Aray ko ga*o ka talaga"

"Huyy kahit kailan hindi ako nagcutting classes"pagtatanggol niya sa sarili niya.

Sa haba ng kwentuhan namin ay hindi kona namalayan nasa cafeteria na pala kami.

"Ano order mo?"

"Kahit ano,ikaw naman ang magbabayad."

I Lost My Heart In QCWhere stories live. Discover now