Date: June 16, 2024
Made to join the Se Ca WriCon in FB.
Theme: Opening the eyes of the beings to be aware of their surroundings
Word count: 752Everything in our life has an opposite. Every good thing in this world that has to offer always come with a shadow of badness. We may not like it but we have to face it. You will not be able to survive this cruel yet generous world without your eyes open.
This world is full of generosity but humans abuse it. The more people abuse it, the more it gets sad. Just like when you bully someone, they get hurt. Humans want to keep proving that they can improve their lifestyle, don't mind if others are getting hurt. Maraming bansa ang mga napag-iiwanan na sa pag-unlad. Kung sino-sinong mga tao sa gobyerno ang mga sinisisi ng iba. Hindi man lang naisip na baka sila rin naman pala ang may pakana kung bakit ito nangyayari. Para naman sa mga matatandang mahal ang ating kalikasan, marami ang hindi sumusuporta sa pag-unlad ng ekonomiya nito. Sa kadahilanang ang pag-unlad ay ang unti-unting pagsira sa mundong tinitirahan. Kabaliktaran naman iyon ng mga kabataan, ang mga kabataan ngayon ay mahilig na sumabay sa uso. Iyong tipong kahit wala ng pera ay bibili ng mga nauusong bagay para lang makasabay. Ang mga mayayaman ay buong suporta sa pag-unlad ng bansa dahil ito rin ay magbebenepisyo sa kanila. Habang sa mga mahihirap, mas lalo lamang maghihirap kapag umunlad ang ekonomiya ng bansa. Ang mga bilihin ay magmamahal at mas lalo silang mahihirapang kumayod. Kahit ganoon pa man, ang prayoridad pa rin ng isang bansa ay umunlad. Sa pag-unlad dapat ay nagtutulungan ngunit imbis na magtulungan ang bawat mamamayan ay nagbabangayan na lamang. Ang mga gobyernong ang gampanin ay tulungan at suportahan ang bansa, tinatago ang mga pondo para rito. May mga nagsasabi naman na ang pag-asa na lang talaga ay ang kabataan. Ang mga magulang ay mas pinagtutuunan ang pag-aaral ng mga anak nila. Hangad man nila'y kabutihan, ang nadulot naman nila'y kasamaan. Students nowadays feels so pressured. Pati na ang sariling kagustuhan ng mga anak ay pinipigilan. Dinidiktahan na "Dapat ganiyan." o "Huwag na 'yan, wala namang kwenta 'yan. Mag-aral ka na lang." hindi na inalintana ang nararamdaman nila. Pilit pina-iintindi sa kanila na sila dapat ang mag-aangat ng pamilya nila. Ang ibang mga kabataan ay naiintindihan ito ng lubusan kaya't sinusubukan na huwag maging suwail. Ang mga bagay bagay ay tinatago na lamang sa mga magulang upang hindi sila magambala. Ang ibang kabataan naman ay nagrerebelde dahil sa masyadong striktong pagpapalaki. Ang iba'y nagbubulakbol, napapariwara at ang ilan pa sa mga kababaihan ay nabubuntis. Mali ang kanilang mga nagawa pero ang kailangan nila ay hindi ang galit ng mga magulang, kundi ang pag-iintindi nila. Naging uso ang social media na kung saan nalalalabas nila ang mga nadarama. Galit, lungkot, at pagpupunyagi, lahat iyon ay naibabahagi nila sa bawat isa. Mas madaling komunikasyon at mas madaling panunukso. Ang lahat ay pwede magbigay ng opinyon rito. Ang mga LGBTQIA+ members ay naglabasan. Ang social media ay naging magandang impluwensya sa pagbabahagi ng nadarama nila pero ito rin ang naging dahilan ng pagkawala ng confidence nila. Dito kasi ay makararamdam sila ng pekeng pagtrato. Sa una ay sinusuportahan sila ngunit kapag sumikat na'y pagsasalitaan ng masama dahil lang sa inggit. This world has a lot of problems to offer. It include nature problems, economic problems which includes corruption, inflation, job losses, debts and many more, there's also the inequal treaty to genders, psychological issues such as trust issues and many more. Maganda naman talaga ang mabuhay pero marami lang talaga ang mga anino ng kabutihan na dapat nating harapin. Ang kabutihan ngayon ay hindi na libre, lahat ay may kapalit. Sa pagkamit ng mga awards ay makatatanggap ng mga papuri ngunit hindi lahat ng tao ay pupurihin ka. Ang iba'y pagsasalitaan ka lamang ng masama. Doon pumapasok ang halaga ng pagpili lamang ng gusto mong damdamin. Ngunit ang pagpili sa gusto mo lang ay hindi palaging pwede, kapag nasanay ka ay tiyak na talunan ka lamang kapag hinarap mo ang mundo. Ang magagawa mo na lamang ay tulungan ang sarili mong lumaban. Umiyak man sa gabi, ang mahalaga ay nalabanan ang masakit na sinag ng umaga.
Lahat ng bagay ay nangyayari dahil may dahilan ito. Hindi man natin alam kung anong dahilan nito, ang mahalaga ay maging handa sa mga kalalabasan nito. Sapagkat lahat ng bagay ay may matamis na parte at may mapait na parte. Ang magagawa na lamang ay kayanin ang lahat.
_____________________________________Some notes:
Where did the title came from?
I named it Scale Of Worth because of a lot of things. First, scale indicates uneven world. It foreshadows how a good decision also comes with a bad consequence. It also indicates the shadow of that scale. The dirty or bad effect of one's decision. Second, worth ay galing sa content ng story. Pagbibigay ng halaga sa bawat bagay, ikaw lang ang makapagbibigay. Nasa atin na lamang kung ano ang pipiliin natin. Ang pagdesiyon ba ng may magandang epekto ngunit malaki ang consequence? Or pagdesisyon ng hindi walang magandang epekto ngunit may maliit ang consequence? Nasa atin kung paano natin titimbangin ang mga iyon.
Why is it in essay form?
Nagmamadali ako nang sinusulat ito dahil matatapos na ang indicated time na pagpasa. Hindi ko alam na 12am ng June 16 ito naka-due. I rushed making this, it was already 10:45pm. I was thankful that I managed to pass this.
What happened to the contest?
This piece of work won 3rd place. I was just lucky enough to get in. I can't say it really is a master piece 'cause I know it isn't. Thank you judges!
FIRST JUDGE:
Creativity & Originality (20%) — 17%
Adherence to the theme (20%) — 18%
Writing Style & Technique (15%) — 8%
Impact & Engagement (20%) — 14%
Overall Impression (10%) — 8%
Technicality (15%) — 9.80%
— 74%SECOND JUDGE:
creativity and originality - 15
adherence to the theme - 17
writing style and technique - 10
impact and engagement - 17
overall impression - 7
technicality - 15
total score: 81THIRD JUDGE:
creativity and originality - 15
adherence to the theme - 15
writing style and technique - 10
impact and engagement - 15
overall impression - 10
technicality - 15
total score: 80in total score of: 235%
Proof:
Thank you for reading! Kindly vote, please!