Chapter 10

713 13 1
                                    

ALAS-SIYETE ng umaga kinabukasan. Hindi mapakali si Rafael habang palakad-lakad sa sala. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa date nina Belinda at Christopher kagabi. Baka magkasintahan na ang dalawa. Ah, hindi niya gustong mangyari iyon.

Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang pinto. Hindi siya nakatulog nang mahimbing kagabi sa kaiisip kay Belinda. Ngayon ay hindi na siya makakapaghintay pa. Sasabihin na niya ang totoo niyang nararamdaman sa dalaga kahit pa masaktan siya.

Binuksan niya ang front door at natigilan siya nang makitang nasa labas si Belinda at halatang nag-aalanganing tumuloy. Kapwa sila walang masabi. May ilang sandaling tahimik na nagtama lamang ang kanilang mga mata. Banaag sa mga mata nila ang labis na pananabik sa isa't isa.

"KANINA ka pa ba?" sa wakas ay tanong ni Rafael.

"F-fifteen minutes ago," bantulot na sagot ni Belinda.

"Why don't you come in?"

Bumawi siya ng tingin. "N-nahihiya ako."

"May dapat ka bang ikahiya?"

Nag-ipon siya ng lakas bago tumugon. "N-nahihiya akong malaman mo na... na pumunta lamang ako dito para makita ka."

"But why, Belinda?"

"I think I'm going crazy, Rafael, hangga't hindi kita nakikita." Pinamulahan siya ng mga pisngi. Napangiti ito saka masuyong hinawakan nito ang kanyang nanlalamig na palad. "I feel exactly the same way, Belinda," sabi nito. "Day and night, I can't stop thinking about you. Pinagseselosan ko maski si Christopher."

Manghang napatingin siya sa mga mata nito. "It's because I love you, Belinda."

Namula ang kanyang mukha sa pagkabigla. Pagdaka'y may nalaglag na luha mula sa kanyang mga mata. Tila isang napakagandang musika sa pandinig niya ang sinabing iyon ni Rafael.

"You're the only one I have loved like this at hindi ako magiging maligaya kung hahayaan kitang mapunta sa ibang lalaki," he continued. "Right here, right now, I want to know if you have the same feelings for me."

"I do," patuloy sa pagluhang sagot niya. "I do love you, Rafael. And I don't want to lose you."

Nakangiting pinahid nito ang kanyang mga luha. "So now that we have finally admitted we love each other, will you marry me?"

"That fast?" Napangiti siya. "Ayokong maagaw ka pa sa akin ng iba."

Niyakap siya nito nang mahigpit. "I want you to be mine for the rest of my life."

Hindi mapantayan ang kaligayahang namutawi sa dibdib niya. When Rafael kissed her lips, parang bulang naglaho ang kanyang mga agam-agam.

ONE MONTH later.

Kausap ni Belinda sa telepono si Artemio. Kasalukuyan siyang nasa America at nagbabakasyon.

"Good news, Belinda," masayang balita ni Artemio mula sa Maynila. "The company is doing good."

"I know," nakangiting sagot niya. "I've read about it. Thanks to Rafael dela Vina. Without his help, baka wala na ang kompanya."

"So, kailan ka babalik dito?"

Lumawak ang kanyang pagkakangiti. "C'mon, Artemio. Wala pang isang linggo ang bakasyon ko."

"I understand. I have to end this call at alam kong nakakaistorbo na ako sa honeymoon ninyo ni Rafael."

"Goodbye, Artemio." Nakangiting ibinaba niya ang telepono at hinarap ang nakangiting si Rafael na noon ay nakahiga sa kama na kinauupuan niya.

"Come here beside me, honey." Hinila siya nito at niyakap. "Akala ko ba'y hindi mo hahaluan ng business ang honeymoon natin?"

"Ibinalita lamang sa akin ni Artemio ang kalagayan ng manufacturing company." Inihilig niya ang kanyang ulo sa balbon nitong dibdib. "I'm happy for the improvement. Thanks to you. Pero hindi kita pinakasalan nang dahil doon. I'm sure, everyone is thinking na ginagamit lamang kita para maisalba ang kompanya."

"Hindi lang nila alam kung gaano ako kasaya ngayon, Rafael. Simple man ang naging kasal natin, ako pa rin ang pinakamaligayang babae sa buong mundo."

"And I'm the happiest man in the whole world." Masuyo nitong dinampian ng halik ang kanyang buhok. "Masyado akong nagmamadali kaya simple lamang ang naging wedding natin. But if you want, we can have another wedding and I'll see to it that it's going to be the wedding of the century."

"No need. Ang mahalaga ay magkasama tayong dalawa." Nakangiti niyang pinisil ang ilong nito.

"I agree. And it's about time we start making babies." Akmang hahagkan siya nito sa mga labi nang muling tumunog ang telepono sa bedside table.

Napailing si Rafael habang pinagmamasdan ang pagdampot niya ng telepono.

"Yes?"

"Belinda, it's me, Stephanie," sabi ng nasa kabilang linya. "Guess where I am?"

"Where?" excited niyang tanong.

"Las Vegas. I asked Ricardo's address from his mom. Then I went to him and asked him to marry me."

"Hindi na siya galit sa 'yo?"

"Nope. Nabalitaan niyang ikinasal na kayo ni Rafael at maayos na ang lagay ng kompanya. He believes that love is the reason kung kaya ko siya hinanap. We're getting married tomorrow!" At napatili pa ito sa sobrang kaligayahan. "Can you guys come over?"

"Sure."

"I'll wait for you." Sinabi nito ang address bago nagpaalam.

Nakangiting ibinaba niya ang telepono at muling nahiga sa tabi ni Rafael. "It's Stephanie," sabi niya. "Magpapakasal sila ni Ricardo sa Las Vegas and she wants us to be there."

Pumaibabaw ito sa kanyang katawan. "Yeah. Pero bago 'yon, kailangang asikasuhin muna natin ang hindi pa nakokompletong honeymoon natin, okay?"

"Ikaw ang bahala," nakangiting sagot niya.

He kissed her again. This time, panatag na ang kanilang mga isip. Wala nang makakapaghiwalay pa sa kanila, lalo na ngayong pag-aari na nila ang isa't isa.



Wakas

For The Rest Of My Life - Elizabeth McbrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon