December 13, 2021 | 2:30 pmThen and now (1st photo, first time mo nagstream na may camera at kasama mo na maglaro sina Cong ng PUBG at nag-try ng PARAMO na new map. 2nd, latest which is your birthday livestream.)
Kahit noong hindi ka pa nagstream dati, iyong nanonood ako ng streams ni Ms. Alodia pati ng iba mo pa'ng friends at kalaro ka sobrang masaya na ako na marinig ang boses mo dahil alam ko na nag-eenjoy ka talaga. Noon pa lang, sobrang gusto ko talaga para sa iyo na sana magkaroon ka rin ng gaming page at makapagstream.
Isa rin iyon sa mga pangarap mo kaya masaya talaga ako para sa iyo noong inannounce mo na magstream ka na rin. Inaabangan ko talaga ang mga stream mo. Iyong pag-stream mo ay hindi lang basta-basta kundi higit pa roon. Iyong wisdom mo, interactions sa A'Tin at iba pa'ng nanonood, pag-spend ng time kahit busy at pagod, lahat ng efforts mo, pagiging appreciative, pag-raid sa kapwa-streamers mo at marami pa'ng iba.
Sobrang proud at humahanga ako sa iyo palagi. Noon pa lang din na kasali ka sa mga tournament, sobrang masaya rin ako para sa iyo dahil alam ng co-members mo ang husay mo sa paglalaro, iyong paniniwala at pagtitiwala nila sa iyo. Iyong recognition sa iyo ng gaming community, sobrang nakakataba ng puso.
Noong nagpost ka ng tungkol sa IRL Awards, sobrang masaya talaga ako para sa iyo at gusto ko talaga na manalo ka roon. Sobrang deserve mo iyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kinakaya para sa iyo. Ang ssob ko, may first-ever award about gaming!!! Sobrang saya at kinikilig pa rin ako sa award mo. You truly deserve all the blessings and achievements. Again, congratulations! I'm always so proud of you! ❤️